PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pinoprotektahan ni Jehova ang Bayan Niya
Napakahalaga ng pinakaunang Paskuwa. Noong gabing iyon, nang malaman ng Paraon na namatay ang kaniyang panganay na anak, sinabi niya kay Moises: “Umalis na kayo. Iwan na ninyo ang bayan ko, kayo at ang iba pang Israelita. Umalis na kayo at maglingkod kay Jehova, gaya ng sinabi ninyo.” (Exo 12:31) Ipinakita ni Jehova na pinoprotektahan niya ang bayan niya.
Kung babalikan natin ang kasaysayan ng bayan ng Diyos sa ngayon, kitang-kita na patuloy na ginagabayan at pinoprotektahan ni Jehova ang bayan niya. Itinampok ito sa museum na “A People for Jehovah’s Name” na nasa ating pandaigdig na punong-tanggapan.
PANOORIN ANG VIDEO NA TOUR SA WARWICK MUSEUM: “A PEOPLE FOR JEHOVAH’S NAME.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Anong tool ang ginamit ng mga Estudyante ng Bibliya sa pasimula ng 1914 para patibayin ang pananampalataya ng mga tao sa Bibliya, at gaano ito kaepektibo?
Anong mga pagsubok ang dumating noong 1916 at 1918, at ano ang ebidensiya na pinapatnubayan ni Jehova ang organisasyon niya?
Paano nanatiling tapat ang bayan ni Jehova sa kabila ng pag-uusig?
Anong bagong pagkaunawa ang tinanggap ng bayan ni Jehova noong 1935, at paano sila naapektuhan nito?
Kung nakapag-tour ka na sa museum na ito, ano ang nakita mo roon na nagpatibay ng pananampalataya mong ginagabayan at pinoprotektahan ni Jehova ang bayan niya?