PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Purihin si Jehova Bilang Payunir
May magagandang dahilan ang mga Israelita para purihin si Jehova. Pinalaya niya sila sa Ehipto at iniligtas mula sa hukbo ng Paraon. (Exo 15:1, 2) Patuloy pa ring nagpapakita ng kabutihan si Jehova sa mga lingkod niya. Paano natin maipapakita ang ating pasasalamat?—Aw 116:12.
Ang isang paraan ay ang paglilingkod bilang auxiliary o regular pioneer. Puwede mong ipanalangin na magkaroon ka ng pagnanais at lakas na maglingkod bilang payunir. (Fil 2:13) Marami ang nagsimula sa pag-o-auxiliary pioneer. Puwede kang pumili sa 30 o 50 oras na kahilingan sa mga buwan ng Marso at Abril pati na sa panahon ng dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito. Kapag naranasan mo na kung gaano kasaya na mag-auxiliary pioneer, baka magustuhan mo nang maglingkod bilang regular pioneer. May ilan ding nagtatrabaho nang full-time o may sakit pero nakakapaglingkod bilang regular pioneer. (mwb16.07 8) Talagang karapat-dapat si Jehova sa anumang pagsisikap natin na purihin siya!—1Cr 16:25.
PANOORIN ANG VIDEO NA TATLONG MAGKAKAPATID SA MONGOLIA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Anong mga hamon ang napagtagumpayan ng tatlong magkakapatid para makapagpayunir?
Anong mga pagpapala ang natanggap nila?
Ano ang naging mga pribilehiyo nila dahil nagpayunir sila?
Ano ang naging epekto ng halimbawa nila sa iba?