MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO
Gamitin ang mga Pantulong sa Pagsasaliksik
Binibigyan tayo ni Jehova ng mga pantulong—gaya ng video, tract, magasin, brosyur, aklat, at siyempre, ng Bibliya—para maging mahusay tayo sa pagtuturo. (2Ti 3:16) Naglalaan din siya ng mga pantulong sa pagsasaliksik para maipaliwanag natin ang Kasulatan. Nandiyan ang Watchtower Library, JW Library® app, Watchtower ONLINE LIBRARY™, at Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova.
Masisiyahan ka sa paghahanap ng espirituwal na hiyas gamit ang mga pantulong na ito. Turuan mo rin ang mga Bible study mo kung paano gagamitin ang mga ito. Siguradong magiging masaya din sila kapag nahanap nila sa Bibliya ang sagot sa mga tanong nila.
PANOORIN ANG VIDEO NA MASIYAHAN SA PAGGAWA NG ALAGAD—TANGGAPIN ANG TULONG NI JEHOVA—PAGGAMIT NG MGA PANTULONG SA PAGSASALIKSIK. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang pananaw ni Joy tungkol sa paglalang?
Saan nakahanap si Neeta ng impormasyon tungkol dito?
Nasisiyahan tayo kapag nakakahanap tayo ng espirituwal na hiyas at kapag itinuturo natin iyon sa iba
Paano siya pumili ng impormasyon na talagang makakatulong kay Joy?
Ano ang epekto kay Neeta nang gamitin niya ang mga pantulong sa pagsasaliksik?