Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb23 Enero p. 9
  • Tinutulungan Tayo ni Jehova sa Panahon ng Pagsubok

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tinutulungan Tayo ni Jehova sa Panahon ng Pagsubok
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Kaparehong Materyal
  • Tandaan na si Jehova ang “Diyos na Buháy”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • Hindi Ka Nag-iisa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Kung Paano Tayo Tinutulungan ni Jehova na Magtiis
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
mwb23 Enero p. 9
Mag-asawang may dalawang maliliit na anak habang nakikipagkumustahan sa mga kakongregasyon nila gamit ang videoconference.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Tinutulungan Tayo ni Jehova sa Panahon ng Pagsubok

Sa mga huling araw na ito, nakakaranas tayo ng maraming problema. Baka minsan pakiramdam natin, hindi na natin kaya. Pero kung mananatili tayong malapít kay Jehova, tutulungan niya tayong makayanan kahit ang pinakamahihirap na pagsubok. (Isa 43:2, 4) Paano natin magagawa iyan?

Panalangin. Kapag sinasabi natin kay Jehova ang lahat ng nararamdaman natin, binibigyan niya tayo ng kapanatagan at lakas.​—Fil 4:6, 7; 1Te 5:17.

Pulong. Mas kailangan natin ngayon ng pampatibay mula sa Salita ng Diyos at sa mga kapatid na nakukuha natin sa mga pulong. (Heb 10:24, 25) Kapag naghahanda, dumadalo, at nagkokomento sa mga pulong, nakakatanggap tayo ng banal na espiritu ni Jehova.​—Apo 2:29.

Pangangaral. Mas makakapagpokus tayo sa nakakapagpatibay na mga bagay kapag lagi tayong nakikibahagi sa ministeryo. Bukod diyan, titibay rin ang kaugnayan natin sa ating mga kamanggagawa, lalo na kay Jehova.​—1Co 3:5-10.

PANOORIN ANG VIDEO NA NAGING AMA KO SI JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Ano’ng nakatulong kay Malu na manatiling malapít kay Jehova noong may problema ang pamilya nila?

  • Gaya ng naramdaman ni Malu, paano tayo napapatibay ng Awit 34:18 kapag may mga hamon sa buhay?

  • Paano natin nakita sa karanasan ni Malu na nagbibigay si Jehova ng “lakas na higit sa karaniwan” kapag dumaranas tayo ng mga problema?​—2Co 4:7

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share