Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb23 Marso p. 13
  • Kung Paano Gagamitin ang mga Bible Study Video

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Gagamitin ang mga Bible Study Video
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Kaparehong Materyal
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Gamitin sa Pagtuturo ang mga Video
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Gumamit ng Mabibisang Visual Aid sa Pagtuturo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Epekto ng mga Video na Nagbibigay ng Patotoo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Ano ang Pag-aaral sa Bibliya na Iniaalok ng mga Saksi ni Jehova?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
mwb23 Marso p. 13
Sister na nagpapapanood sa isang babae ng video na “Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?” sa gadyet niya.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Gagamitin ang mga Bible Study Video

May apat tayong Bible study video na magagamit sa ministeryo. Kailan ba natin puwedeng gamitin ang mga ito?

  • Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya? Puwedeng gamitin ito para matulungan ang mga tao na maging interesado sa Bibliya anuman ang relihiyon nila. Mapapanood nila dito na nasa Bibliya ang sagot sa mahahalagang tanong sa buhay, at may binabanggit dito na isang halimbawa. Ipinapaliwanag din sa video kung paano magre-request ng Bible study.

  • Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?​—Maikling Bersiyon Mahigit isang minuto lang ang haba nito, kaya baka mas magandang gamitin ito sa mga teritoryong busy ang mga tao.

  • Paano Ginagawa ang Pag-aaral sa Bibliya? Puwedeng gamitin ito para maging interesado ang kausap natin na magpa-Bible study. Sinasagot ng video ang ilang karaniwang tanong ng mga tao tungkol sa Bible study, gaya ng kung paano magre-request nito.

  • Mag-enjoy sa Pag-aaral ng Bibliya Puwede itong ipapanood sa mga Bible study. Makikita ang video na ito sa ikalawang pahina ng aklat na Masayang Buhay Magpakailanman, pero puwede na itong gamitin kahit brosyur pa lang ang pinag-aaralan. Makikita nila sa video ang nilalaman ng aklat at kung ano ang aasahan nila sa bawat pag-aaral.

May partikular na sitwasyon na magandang gamitin ang bawat video, pero puwede ring ipapanood o ipadala ang alinman sa mga ito sa iba pang pagkakataon. Pinapasigla tayong maging pamilyar sa mga video na ito para magamit nating mabuti ang mga ito sa ministeryo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share