Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp21 Blg. 3 p. 12-14
  • Paano Tayo Magkakaroon ng Magandang Kinabukasan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Tayo Magkakaroon ng Magandang Kinabukasan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • GABAY MULA SA PINAKAMATALINONG PERSONA
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Gumising!—2017
  • Tamang mga Turo na Nakalulugod sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Tama at Mali: Ang Bibliya​—Mapagkakatiwalaang Basehan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2024
  • Saan Ka Makasusumpong ng Mapagkakatiwalaang Patnubay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
wp21 Blg. 3 p. 12-14
Isang lalaking nagbabasa ng Bibliya.

Paano Tayo Magkakaroon ng Magandang Kinabukasan?

Gaya ng tinalakay sa mga naunang artikulo, marami ang nagtitiwala sa tadhana, edukasyon, pera, at nagsisikap na maging mabuting tao para magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero para silang isang tao na gustong pumunta sa isang lugar, kaya lang, mali ang tinitingnang mapa. Ibig bang sabihin, walang maaasahang gabay para sa magandang kinabukasan? Mayroon!

GABAY MULA SA PINAKAMATALINONG PERSONA

Kapag gumagawa tayo ng desisyon, madalas na lumalapit tayo sa mas matanda at mas marunong kaysa sa atin. Para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan, kailangan din nating magpagabay sa Isa na mas matanda at mas marunong kaysa sa atin. Ang mga payo niya ay makikita sa banal na mga kasulatan na sinimulang isulat mga 3,500 taon na ang nakakaraan. Ang banal na mga kasulatan na ito ay isang aklat na tinatawag na Bibliya.

Makakapagtiwala ka ba sa Bibliya? Oo, kasi ang Awtor nito ang pinakamatanda at pinakamatalinong Persona sa buong uniberso. Siya ang “Sinauna sa mga Araw” na “mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas.” (Daniel 7:9; Awit 90:2) Siya ang “Maylalang ng langit, ang tunay na Diyos, ang gumawa sa lupa.” (Isaias 45:18) Ipinakilala niya ang pangalan niya, Jehova.​—Awit 83:18.

Dahil ang Bibliya ay galing sa lumalang ng lahat ng tao, hindi lang ito para sa iisang lahi o kultura. Ang mga payo nito ay nakakatulong sa mga tao sa buong mundo at hindi naluluma. Available ito sa maraming wika at ito ang pinakamalawak na naipamahaging aklat.a Kaya mababasa ito at maiintindihan ng mga tao saanman sila nakatira at magagabayan sila nito. Pinapatunayan ng lahat ng ito ang sinasabi mismo ng Bibliya:

“Hindi nagtatangi ang Diyos, kundi tinatanggap niya ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng tama, saanmang bansa ito nagmula.”​—GAWA 10:34, 35.

Gaya ng isang mapagmahal na magulang na gustong gabayan ang kaniyang mga anak, gusto ng ating mapagmahal na Ama, ang Diyos na Jehova, na tulungan tayo gamit ang kaniyang Salita, ang Bibliya. (2 Timoteo 3:16) Makakapagtiwala tayo sa Salita niya kasi siya ang lumalang sa atin at alam niya kung ano ang pinakamabuti para sa atin.

MAAASAHANG GABAY

Collage: 1. Isang lalaking may binabasa sa cellphone niya habang nakasakay sa tren. 2. Makikita sa screen ng cellphone ng lalaki ang Bibliya.

Makakapagtiwala tayo na ang Bibliya ay isang maaasahang gabay para sa kinabukasan dahil mga 2,000 taon na ang nakakaraan, inihula nito ang mga pangyayari sa mundo at ugali ng mga tao na nakikita natin sa ngayon.

MGA PANGYAYARI SA MUNDO

“Maglalabanan ang mga bansa at mga kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, gayundin ng mga epidemya at taggutom sa iba’t ibang lugar.”​—LUCAS 21:10, 11.

UGALI NG MGA TAO

“Sa mga huling araw, magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan. Dahil ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, mayabang, mapagmataas, mamumusong, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, di-tapat, walang likas na pagmamahal, ayaw makipagkasundo, maninirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, mabangis, napopoot sa kabutihan, taksil, matigas ang ulo, mapagmalaki, maibigin sa kaluguran sa halip na maibigin sa Diyos.”​—2 TIMOTEO 3:1-4.

Ano ang masasabi mo ngayong nakikita mong nangyayari ang mga hula sa Bibliya na matagal nang isinulat? Siguradong sasang-ayon ka sa sinabi ni Leung, na taga-Hong Kong: “Matagal nang isinulat ang mga hulang iyon sa Bibliya. Imposible namang nahulaan ng mga tao ang mangyayari sa hinaharap. Kaya siguradong galing ang Bibliya sa isa na mas matalino kaysa sa atin.”

Daan-daang hula sa Bibliya ang natupad na.b Patunay lang ito na talagang Salita ng Diyos ang Bibliya. “Ako ang Diyos, at walang ibang gaya ko,” ang sabi ni Jehova. “Mula sa pasimula ay sinasabi ko na ang mangyayari.” (Isaias 46:9, 10) Kaya makakaasa ka na tama ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa hinaharap.

MGA PAYO NA MAKAKATULONG SA IYO NGAYON AT SA HINAHARAP

Mga magulang na hawak ang kamay ng dalawa nilang anak habang masayang naglalakad sa parang.

Kapag nagpagabay ka sa mga payo ng Banal na Kasulatan, mapapabuti ka. Tingnan ang ilang halimbawa.

TAMANG PANANAW SA PERA AT TRABAHO

“Mas mabuti ang sandakot na pahinga kaysa sa dalawang dakot ng pagpapakapagod at paghahabol sa hangin.”​—ECLESIASTES 4:6.

BUHAY PAMPAMILYA

“Mahalin ng bawat isa sa inyo ang kaniyang asawang babae gaya ng sarili niya; ang asawang babae naman ay dapat magkaroon ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lalaki.”​—EFESO 5:33.

KAUGNAYAN SA IBA

“Alisin mo ang galit at huwag ka nang magngalit; huwag kang mayamot at gumawa ng masama.”​—AWIT 37:8.

Kung susundin mo ang mga payo sa Bibliya, magiging masaya ka ngayon at sa hinaharap. Mababasa sa Bibliya ang magagandang pangako ng Diyos. Tingnan ang ilang halimbawa.

KAPAYAPAAN AT KAPANATAGAN

“Mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan.”​—AWIT 37:11.

BAHAY AT PAGKAIN PARA SA LAHAT

“Magtatayo sila ng mga bahay at titira sa mga iyon, at magtatanim sila ng ubas at kakainin ang bunga nito.”​—ISAIAS 65:21.

WALA NANG SAKIT O KAMATAYAN

“Mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.”​—APOCALIPSIS 21:4.

Ano ang kailangan mong gawin para matanggap ang mga pangakong iyan ng Diyos sa hinaharap? Sasagutin iyan sa susunod na artikulo.

a Para sa mga impormasyon tungkol sa pagsasalin at pamamahagi ng Bibliya, magpunta sa www.jw.org/tl at tingnan sa TURO NG BIBLIYA > ANG KASAYSAYAN AT ANG BIBLIYA.

b Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 9 ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. Available ito sa www.jw.org/tl. Tingnan sa LIBRARY > AKLAT AT BROSYUR.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share