Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp24 Blg. 1 p. 6-9
  • Tama at Mali: Ang Bibliya​—Mapagkakatiwalaang Basehan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tama at Mali: Ang Bibliya​—Mapagkakatiwalaang Basehan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2024
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KAILANGAN NATIN ANG PATNUBAY NG DIYOS
  • SINASABI NG BIBLIYA KUNG ANO ANG GUSTO NG DIYOS NA GAWIN NATIN
  • Mahalaga Pa Ba ang Pamantayan ng Bibliya Tungkol sa Tama at Mali?
    Iba Pang Paksa
  • Higit Pang Tulong Para sa Pamilya
    Gumising!—2018
  • Paano Tayo Magkakaroon ng Magandang Kinabukasan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Tama at Mali: Ang Basehan na Dapat Mong Piliin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2024
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2024
wp24 Blg. 1 p. 6-9

Tama at Mali: Ang Bibliya—Mapagkakatiwalaang Basehan

Kapag nakabase lang sa nararamdaman natin o sa opinyon ng iba ang mga desisyon natin, hindi tayo sigurado na maganda ang magiging resulta nito. Sinasabi ng Bibliya kung bakit ganoon. Pero hindi lang iyan. May mga payo rin ito na mapagkakatiwalaan at makakatulong sa atin na magkaroon ng masayang buhay.

KAILANGAN NATIN ANG PATNUBAY NG DIYOS

Sa Bibliya, sinasabi ng Diyos na Jehovaa na kailangan ng mga tao ang tulong niya. Sinasabi rin niya na hindi nila kayang gabayan ang sarili nila. (Jeremias 10:23) Iyan ang dahilan kung bakit ipinasulat niya sa Bibliya ang basehan ng tama at mali. Mahal niya ang mga tao. Ayaw niyang makagawa tayo ng masasamang desisyon na makakasakit sa atin at magpapahirap sa buhay natin. (Deuteronomio 5:29; 1 Juan 4:8) Maibibigay niya ang pinakamagandang payo sa atin dahil sa karunungan niya bilang ating Maylalang. (Awit 100:3; 104:24) Pero hindi niya pinipilit ang mga tao na sumunod sa kaniya.

Ibinigay ni Jehova kina Adan at Eva ang lahat ng kailangan nila para maging masaya. (Genesis 1:​28, 29; 2:​8, 15) Nagbigay rin siya ng simpleng mga utos na inaasahan niyang masusunod nila. Pero binigyan niya sina Adan at Eva ng kalayaang pumili kung susundin nila ang mga iyon o hindi. (Genesis 2:​9, 16, 17) Imbes na sundin ang utos ng Diyos, pinili nilang sundin ang gusto nila. (Genesis 3:6) Ano ang naging resulta? Naging mas masaya ba ang tao dahil pinili nila ang akala nilang tama? Hindi. Kitang-kita na mula noon, imposibleng maging tunay na masaya at panatag ang tao kung hindi nila susundin ang mga pamantayan ng Diyos.​—Eclesiastes 8:9.

Makakatulong ang mga sinasabi ng Bibliya para makagawa tayo ng magagandang desisyon, saanman tayo nakatira o anuman ang kultura natin. (2 Timoteo 3:​16, 17; tingnan ang kahong “Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao.”) Alamin natin kung paano.

Alamin kung bakit tama lang na sabihing “salita ng Diyos” ang Bibliya.​—1 Tesalonica 2:13. Panoorin ang video na Sino ang Awtor ng Bibliya? na nasa jw.org.

ISANG AKLAT PARA SA LAHAT NG TAO

Gusto ng ating matalino at mapagmahal na Maylalang na malaman natin kung ano ang mapagkakatiwalaang basehan ng tama at mali. Pansinin ang mga impormasyong ito tungkol sa Bibliya:

Mga tao sa iba’t ibang bansa na nagbabasa ng Bibliya. May mga Bibliya na nakaimprenta at sa digital format.
  • 3,500+ Bilang ng wika na available ang Bibliya o ilang bahagi nito. Wala nang ibang aklat ang naisalin sa ganito karaming wika.

  • 5,000,000,000+ Kopya ng Bibliya na naimprenta. Ito ang pinakamalawak na naipamahaging aklat sa buong mundo.

Hindi lang para sa isang lahi, bansa, tribo, o kultura ang Bibliya. Para sa lahat ng tao ang aklat na ito.

Basahin ang Bibliya online (available sa mahigit 250 wika) sa jw.org

Lalaki na nakaturo ang daliri sa binabasa niya sa Bibliya.

BAKIT SINASABI NG IBA NA HINDI SILA MATUTULUNGAN NG BIBLIYA?

Sinasabi ng ilang tao na hindi magandang basehan ng tama at mali ang Bibliya. Ito ang ilan sa mga sinasabi nilang dahilan.

Sinasabi ng iba: “Magkakasalungat ang sinasabi ng Bibliya.”

Ang totoo: Iilang talata lang ang mukhang nagkakasalungatan. Pero kung pag-aaralan mo kung ano ang mga konteksto nito, kung paano at kailan ito isinulat, at kung sino ang sumulat nito, makikita mong hindi talaga nagkakasalungatan ang mga ito.

Para makita ang ilang halimbawa, basahin ang artikulong “May Pagkakasalungatan Ba sa Bibliya?” sa jw.org.

Sinasabi ng iba: “May mga tao na nagsasabing sinusunod nila ang Bibliya, pero masasama naman ang ginagawa nila. Kaya baka hindi ito magandang basehan ng tama at mali.”

Ang totoo: Hindi dapat sisihin ang Bibliya dahil sa masasamang ginagawa ng tao na hindi naman talaga sumusunod sa mga turo nito. Inihula sa Bibliya na maraming tao ang magsasabi na sinusunod nila ang Bibliya pero kabaligtaran naman ang ginagawa nila. Ganiyan ang ilang lider ng relihiyon. Dahil diyan, ‘hinahamak’ ang mga turo ng Bibliya.​—2 Pedro 2:​1, 2.

Para makita kung gaano karaming lider ng relihiyon ang lumayo sa talagang itinuturo ng Bibliya, basahin ang artikulong “Negosyo Lang Ba ang Relihiyon?” sa jw.org.

Sinasabi ng iba: “Hindi iginagalang ng mga taong sumusunod sa Bibliya ang mga hindi nila kapareho ng paniniwala.”

Ang totoo: Sinasabi ng Bibliya na dapat nating igalang ang ibang tao. Pero hindi nito kinukunsinti ang mga taong . . .

  • nag-iisip na nakatataas sila sa iba.​—Filipos 2:3.

  • walang respeto sa hindi nila kapareho ng paniniwala.​—1 Pedro 2:17.

  • ipinipilit sa iba ang paniniwala nila.​—Mateo 10:14.

Ipinapakita ng Bibliya na laging mabait at makatarungan ang Diyos sa mga tao at gusto niya na tularan natin siya.​—Roma 9:14.

Para sa higit pang impormasyon, basahin ang artikulong “Pagrespeto sa mga Pagkakaiba ng mga Tao—Kung Paano Makakatulong ang Bibliya” sa jw.org.

SINASABI NG BIBLIYA KUNG ANO ANG GUSTO NG DIYOS NA GAWIN NATIN

Mababasa sa Bibliya kung paano nakitungo si Jehova sa mga tao. Malalaman natin dito kung ano ang tama at mali para sa Diyos, pati na kung ano ang makakabuti at makakasama sa atin. (Awit 19:​7, 11) Laging makakatulong ang mga payo rito para makagawa tayo ng matatalinong desisyon sa buhay.

Halimbawa, tingnan ang sinasabi sa Kawikaan 13:20: “Ang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong, pero ang sumasama sa mga mangmang ay mapapahamak.” Marami ang nakinabang sa payong iyan mula noon hanggang sa ngayon. Maraming ganiyang payo sa Bibliya na makakatulong sa atin.​—Tingnan ang kahong “Kapaki-pakinabang Pa Rin ang mga Payo ng Bibliya.”

Pero baka maisip mo, ‘Talaga kayang makakatulong sa akin ang mga payo ng Bibliya?’ Makikita sa susunod na artikulo ang ilang karanasan.

a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.​—Awit 83:18.

KAPAKI-PAKINABANG PA RIN ANG MGA PAYO NG BIBLIYA

Halos 2,000 taon na mula nang makumpleto ang Bibliya, pero kapaki-pakinabang pa rin ito hanggang ngayon. Hindi pa rin nagbago ang kagustuhan ng tao na maging masaya at magkaroon ng magandang buhay. (Eclesiastes 1:9) Makakatulong ang mga kapaki-pakinabang na payo ng Bibliya para mangyari iyan.

Pagiging Tapat

  • “Gusto naming gumawi nang tapat sa lahat ng bagay.”​—Hebreo 13:18.

  • “Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa; sa halip, magtrabaho siya nang husto.”​—Efeso 4:28.

Kaugnayan sa Iba

  • “Patuloy na unahin ng bawat isa ang kapakanan ng ibang tao, hindi ang sarili niya.”​—1 Corinto 10:24.

  • “Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa at lubusang patawarin ang isa’t isa.”​—Colosas 3:13.

Paggawa ng Desisyon

  • “Pinaniniwalaan ng walang karanasan ang lahat ng naririnig niya, pero pinag-iisipan ng marunong ang bawat hakbang niya.”​—Kawikaan 14:15.

  • “Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago, pero tulóy lang ang mga walang karanasan at pinagdurusahan ang epekto nito.”​—Kawikaan 22:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share