Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp25 Blg. 1 p. 3
  • Bangungot ng Digmaan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bangungot ng Digmaan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2025
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MGA SUNDALO
  • MGA SIBILYAN
  • Kung Paano Magkakaroon ng Kapayapaan Kahit May Digmaan at Kaguluhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2025
  • Isang Taon Na ang Digmaan sa Ukraine—Anong Pag-asa ang Ibinibigay ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Trilyon Na ang Nagastos sa Digmaan, Pero Pera Lang Ba ang Naging Kapalit?
    Iba Pang Paksa
  • Kung Paano Nakakaapekto sa Lahat ang Digmaan at Kaguluhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2025
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2025
wp25 Blg. 1 p. 3
Collage: 1. Punit na larawan na nagpapakita ng itaas na bahagi ng mukha ng isang sundalo. 2. Punit na larawan na nagpapakita ng itaas na bahagi ng mukha ng isang may-edad na babae.

Bangungot ng Digmaan

Isa sa pinakamasaklap na puwedeng maranasan ng isang tao ang masangkot o madamay sa digmaan. Alam na alam iyan ng mga sundalo at sibilyan na nakaranas nito sa buong mundo.

MGA SUNDALO

“Napakarami mong nakikitang taong namamatay o nasusugatan nang malubha. Pakiramdam mo, lagi kang nasa panganib.”—Gary, Britain.

“Tinamaan ako ng bala sa likod at mukha. Ang dami kong nakitang pinatay—mga bata at matanda. Magiging manhid ang puso mo dahil sa digmaan.”—Wilmar, Colombia.

“Kapag may binaril sa harapan mo, hindi iyon mawawala sa isip mo. Hinding-hindi mo makakalimutan ang mga nakita at narinig mong paghihirap ng taong iyon.”—Zafirah, United States.

MGA SIBILYAN

“Pakiramdam ko, hindi na ’ko magiging masaya uli. Takót akong mamatay, pero mas takót akong mamatay ang mga kaibigan ko at ang mga mahal ko sa buhay.”—Oleksandra, Ukraine.

“Nakakatakot ang pumila para sa pagkain mula 2:00 a.m. hanggang 11:00 p.m. Hindi mo kasi alam kung tatamaan ka ng ligaw na bala.”—Daler, Tajikistan.

“Namatay sa digmaan ang mga magulang ko. Kaya nag-iisa na lang ako at wala nang mag-aalaga sa akin.”—Marie, Rwanda.

Sa kabila ng naranasan ng mga indibidwal na ito, nahanap nila ang kapayapaan. Kumbinsido rin sila na malapit nang magwakas ang lahat ng digmaan at kaguluhan. Ipapaliwanag sa isyung ito ng Bantayan kung paano mangyayari iyan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share