Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb15 p. 28-p. 29 par. 1
  • Pag-aalay ng Sangay sa Sri Lanka

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pag-aalay ng Sangay sa Sri Lanka
  • 2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Bagong Miyembro ng Lupong Tagapamahala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Pananagumpay sa mga Hamon sa Buhay sa Timog Asia
    Gumising!—1994
  • Isang Edukasyong Tumagal Nang Habambuhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Mga Sangay na Inialay
    2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Iba Pa
2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb15 p. 28-p. 29 par. 1
Larawan sa pahina 28

TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON

Pag-aalay ng Sangay sa Sri Lanka

Mapa sa pahina 29

MAINIT na tinanggap ng mga kapatid na nakatradisyonal na kasuutan ang 130 delegado mula sa 19 na bansa na dadalo sa pag-aalay ng sangay sa magandang islang ito, ang Sri Lanka. Kumanta ang isang grupo ng mga bata ng mga awiting pang-Kaharian. Nagustuhan ng lahat ang mga nakawiwiling displey, masasarap na pagkain, at magagandang musika, pati na ang mainit na pagsasamahang Kristiyano.

Ang bagong-tayô at ang ni-renovate na mga pasilidad ng sangay ay parehong inialay kay Jehova noong Sabado, Enero 11, 2014, at 893 ang matamang nakinig sa programang ipinahayag sa tatlong wika. Halos di-mapatid ang palakpakan nang magtanong si Mark Sanderson ng Lupong Tagapamahala, “Gusto n’yo bang ialay ang mga bagong pasilidad na ito sa Diyos na Jehova?”

Kinabukasan, 7,701 ang nasiyahan sa repaso sa programa noong Sabado at sa nakapagpapatibay na pahayag ni Brother Sanderson. Limang malalaking venue sa buong bansa ang naka-hook-up. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng video streaming sa lahat ng venue. Dahil diyan, kahit nasa iba’t ibang lugar sa isla ang mga kapatid, nakikita nila at naririnig ang isa’t isa habang kumakanta sila ng mga awiting pang-Kaharian. Tiyak na nagdulot ng “malaking kagalakan” ang makasaysayang okasyong ito.​—Neh. 12:43.

Larawan sa pahina 29
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share