Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb17 p. 132-133
  • Akala Ko Matagumpay Na Ako

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Akala Ko Matagumpay Na Ako
  • 2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Georgia—Isang Sinaunang Pamana na Naingatan
    Gumising!—1998
  • Relihiyosong Pag-uusig sa Georgia—Hanggang Kailan Pa?
    Gumising!—2002
  • Nabasa Ko Mismo Kung Ano ang Sinasabi ng Bibliya!
    2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Paghingi ng Patnubay kay Jehova
    2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Iba Pa
2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb17 p. 132-133

GEORGIA

Akala Ko Matagumpay Na Ako

Madona Kankia

  • ISINILANG 1962

  • NABAUTISMUHAN 1990

  • Isang dating miyembro ng Communist Party sa Georgia, natulungan niya ang maraming tao na matuto ng katotohanan. Noong 2015, nagtapos siya sa unang klase ng School for Kingdom Evangelizers sa Tbilisi.

Si Madona Kankia

NANG marinig ko ang tungkol sa katotohanang nasa Bibliya noong 1989, kilaláng miyembro ako ng Communist Party sa aming bayan sa Senaki, at regular akong nauupo sa Supreme Soviet ng Georgia, katumbas ng parlamento ngayon. Nakatakda rin akong ikasal sa isang binata, kaya akala ko matagumpay na ako.

Itinuro sa akin ng mga magulang ko ang pag-ibig sa Diyos. Kaya naniniwala ako sa Diyos kahit na Komunista ako. Nang mag-aral ako ng Bibliya, nasumpungan ko ang kasiya-siyang sagot sa lahat ng tanong ko, kaya nagpasiya akong ialay ang buhay ko kay Jehova. Ngunit tutol ang aking pamilya, mga kaibigan, kasamahan, at nobyo sa desisyon ko.

Dahil sa aking bagong pananampalataya, itinakwil ako ng aking mga kamag-anak, at hindi rin iyon kaayon ng aking politikal na karera. Wala akong mapagpipilian kundi ang umalis ng aming tahanan, makipag-break sa aking nobyo, at magbitiw sa aking trabaho gayundin sa Communist Party at sa Supreme Soviet. Pagkatapos mabautismuhan, lalo akong ginipit ng aking mga kaibigan at pamilya. Dahil kilalá ako sa aming bayan, lumipat ako sa lunsod ng Kutaisi, kung saan nagsimula akong magpayunir.

Kapag tinatanong ako ng mga tao kung sulit ba ang pinagdaanan kong paghihirap, agad kong sinasabi na masayang-masaya ako sa naging desisyon ko. Bagaman hindi naunawaan ng aking mga magulang ang naging desisyon ko, nagpapasalamat ako na tinuruan nila ako na ibigin ang Diyos at ang kapuwa. Talagang malaki ang naitulong nito sa aking buhay.

Si Madona Kankia na nagtuturo ng Bibliya sa isang babae
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share