Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 1/22 p. 24-25
  • Georgia—Isang Sinaunang Pamana na Naingatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Georgia—Isang Sinaunang Pamana na Naingatan
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Relihiyosong Pag-uusig sa Georgia—Hanggang Kailan Pa?
    Gumising!—2002
  • Kayamanang Nakatago sa Loob ng Maraming Siglo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Dalawang “Himala” sa Isang Kombensiyon sa Georgia
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Akala Ko Matagumpay Na Ako
    2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 1/22 p. 24-25

Georgia​—Isang Sinaunang Pamana na Naingatan

NG KABALITAAN NG GUMISING!

GUSTO mo bang tumira sa isang bansa ng mabungang mga libis na nakakubli sa 4,600 metro ang taas na mga bundok na ang tuktok ay natatakpan ng niyebe, kung saan ang ilang tao ay nabubuhay hanggang sa gulang na 100 at higit pa? Para sa mga mamamayan ng Georgia, ito ay hindi isang panaginip lamang. Ito’y totoo.

Ang Georgia ay nasa heograpiko at kultural na hangganan ng Europa at Asia. Noong sinaunang panahon, ang Georgia ay isang mahalagang dako ng pahingahan para sa kilalang Silk Road, ang siya ring dinaanan ni Marco Polo patungong Tsina. Ang Georgia ay nakinabang sa pinansiyal at kultural na paraan mula sa koneksiyong ito sa pagitan ng Silangan at Kanluran, subalit kung minsan nasusumpungan din ng mga sumasalakay na sulit na magdaan dito. Ayon sa isang pagtantiya, ang kabisera ng Georgia, ang Tbilisi, ay 29 na ulit nang nawasak! Sa ngayon, ang Tbilisi ay isang abala at masiglang lunsod, na ipinagmamalaki ang isang subway at mga modernong gusali kasama ang matagal nang mga bantayog ng arkitektura.

Mga 87 porsiyento ng lupain ng Georgia ay bulubundukin. Pababa mula sa napakalamig at tiwangwang na bulubunduking lupain at hanggang sa kapatagan ay dumadaloy ang 25,000 ilog, na marami ay puno ng isdang trout. Mahigit sa sang-katlo ng bansa ay kagubatan o natatakpan ng mga palumpon. Ang hanay ng mga bundok na Caucasus sa hilagang hangganan ng Georgia ay nagsasanggalang sa interyor ng lupain mula sa napakalamig na lagay ng panahon na nanggagaling sa hilaga. Ang kalagayang ito ay nagpapangyari sa gawing kanluran ng Georgia na maging mainit dahil sa mahalumigmig na hangin mula sa Black Sea​—isang dahilan kung bakit ang Georgia ay naging ang paboritong pinupuntahan ng mga bakasyunista. Ang suwabeng klima ay nakatulong din sa isa sa pinakamatanda at pinakamahusay na tradisyon sa paggawa ng alak. Sa katunayan, ang Georgia ay gumagawa ng mahigit na 500 iba’t ibang uri ng ubas at alak!

Subalit, ang pinakamahalagang bagay sa Georgia ay ang mga mamamayan nito. Kilala sila sa lahat ng panahon sa kanilang kagitingan, talino, at bukas-palad na pagkamapagpatuloy, gayundin sa kanilang pagpapatawa at pagmamahal sa buhay. Ang kanilang kultura ay sagana sa awit at sayaw, at ang mga katutubong awit ay madalas pa ring kinakanta habang nakaupo sa palibot ng mesa sa mga tahanang Georgiano.

May mahabang kasaysayan din sa panitikan ang Georgia, mula pa noong ikalimang siglo. Ang wikang Georgiano ay isa sa pinakaunang wika na doo’y naisalin ang Bibliya, na ginagamit ang pambihira at magandang alpabetong Georgiano. Pinatitibay ng lahat ng kulturang ito ang isang nabubuhay na kawing sa nakaraan ng Georgia​—isang sinaunang pamana na naingatan sa isang modernong bansa.

[Picture Credit Line sa pahina 24]

Pat O’Hara/Corbis

[Mga larawan sa pahina 25]

1. Bibliyang Georgiano

2. Ang ilang residente ay nabubuhay hanggang sa gulang na 100 at higit pa

3. Isang abalang kalye sa Tbilisi

[Credit Line]

Dean Conger/Corbis

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share