Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 31
  • Problema sa Pera at Utang—Makakatulong ba ang Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Problema sa Pera at Utang—Makakatulong ba ang Bibliya?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Kung Paano Haharapin ang Pagkakautang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Utang! Pangungutang—Pagbabayad
    Gumising!—1990
  • Sulit ba ang Mangutang?
    Gumising!—1995
  • Paano Ko Makokontrol ang Paggastos Ko?
    Tanong ng mga Kabataan
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 31

Problema sa Pera at Utang—Makakatulong ba ang Bibliya?

Ang sagot ng Bibliya

Oo. Ang sumusunod na apat na simulain sa Bibliya ay makakatulong sa iyong mga problema sa pera at utang:

  1. Magbadyet. “Ang mga plano ng masikap ay tiyak na magdudulot ng kapakinabangan, ngunit ang bawat isa na padalus-dalos ay tiyak na patungo sa kakapusan.” (Kawikaan 21:5) Huwag basta-basta bumili ng isang bagay dahil lang sa naka-sale ito. Gumawa ng badyet at sundin ito.

  2. Huwag mangutang kung hindi kailangan. “Ang nanghihiram ay lingkod ng taong nagpapahiram.” (Kawikaan 22:7) Kung may utang ka na hindi mo mabayaran, subukang hilingin sa nagpahiram sa iyo na gumawa ng bagong kasunduan sa pagbabayad. Magtiyaga. Gamitin ang payo ng Bibliya sa isang taong padalus-dalos na nangakong mananagot sa utang ng iba: “Magpakumbaba, pilit kang magmakaawa sa kanya! Huwag mong pabayaang ikaw ay makatulog, ni mapikit ang iyong mga mata.” (Kawikaan 6:1-5, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Kahit hindi siya agad pumayag, patuloy na makiusap.

  3. Huwag gawing pangunahin sa buhay ang pera. “Naghahanap ng yaman ang sakim na paningin; hindi alam na kapighatian ang kanyang tatamuhin.” (Kasabihan [o, Kawikaan] 28:22, Biblia ng Sambayanang Pilipino) Hindi lang pinansiyal na problema ang maaaring idulot ng inggit at kasakiman, apektado rin nito ang espirituwalidad ng isa.

  4. Maging kontento. “Sa pagkakaroon ng pagkain at pananamit, magiging kontento na tayo sa mga bagay na ito.” (1 Timoteo 6:8) Hindi nabibili ng pera ang kaligayahan at pagkakontento. Ang ilan sa pinakamaliligayang tao ay hindi naman mayaman. Ang nagpapaligaya sa kanila ay ang pagkakaroon ng mapagmahal na pamilya’t mga kaibigan at ang kaugnayan nila sa Diyos.—Kawikaan 15:17; 1 Pedro 5:6, 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share