-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tuyot ang kanang kamay: Tatlong manunulat ng Ebanghelyo ang nag-ulat sa pagpapagaling ni Jesus sa lalaking ito noong Sabbath, pero si Lucas lang ang nagsabi na ang kanang kamay ng lalaki ang tuyot, o paralisado. (Mat 12:10; Mar 3:1) Madalas banggitin ni Lucas ang mga detalyeng may kaugnayan sa sakit at panggagamot na hindi na binanggit nina Mateo at Marcos. Para sa katulad na halimbawa, ihambing ang Mat 26:51 at Mar 14:47 sa Luc 22:50, 51.—Tingnan ang “Introduksiyon sa Lucas.”
-