-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Makipagkaibigan: Ibig sabihin, makipagkaibigan sa mga nasa langit, sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo, dahil sila lang ang puwedeng tumanggap sa mga tao sa “walang-hanggang mga tirahan.”
di-matuwid na mga kayamanan: Ang salitang Griego na ma·mo·nasʹ (mula sa salitang Semitiko) ay karaniwang tumutukoy sa pera o kayamanan. (Tingnan ang study note sa Mat 6:24.) Maliwanag na di-matuwid ang tingin ni Jesus sa kayamanang ito dahil makasalanang mga tao ang gumagamit nito, karaniwan nang ginagamit ito para sa makasariling mga kagustuhan, at kadalasan nang nakukuha ito sa maling paraan. Ang pagkakaroon o ang kagustuhang magkaroon ng materyal na kayamanan ay puwedeng magtulak sa isa na gumawa ng masama. Nawawalan ng halaga ang materyal na kayamanan, kaya ang isang taong mayaman ay hindi dapat magtiwala rito. (1Ti 6:9, 10, 17-19) Sa halip, dapat niya itong gamitin para makipagkaibigan kay Jehova at kay Jesus, na puwedeng tumanggap sa isang tao sa walang-hanggang mga tirahan.
walang-hanggang mga tirahan: Lit., “walang-hanggang mga tolda.” Maliwanag na tumutukoy sa perpektong mga tirahan sa bagong sanlibutan na hindi magwawakas, ito man ay sa Kaharian sa langit kasama ni Jesu-Kristo o sa Paraisong lupa sa ilalim ng pamamahala ng Kahariang iyon.
-