Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 15:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 patuloy na umiwas sa mga bagay na inihain sa mga idolo,+ sa dugo,+ sa mga binigti,*+ at sa seksuwal na imoralidad.*+ Kung patuloy ninyong iiwasan ang mga ito, mapapabuti kayo. Hanggang sa muli!”*

  • Gawa 15:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 na patuloy na umiwas sa mga bagay na inihain sa mga idolo+ at sa dugo+ at sa mga bagay na binigti+ at sa pakikiapid.+ Kung pakaiingatan ninyo ang inyong sarili sa mga bagay na ito,+ kayo ay uunlad. Mabuting kalusugan sa inyo!”

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 15:29

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 39

      Kaunawaan, p. 165, 618, 1049

      Manatili sa Pag-ibig, p. 91-92

      Ang Bantayan,

      12/15/2015, p. 27

      6/15/2004, p. 20-21, 29

      6/15/2000, p. 29

      1/15/1995, p. 5-6

      6/15/1991, p. 9

      6/15/1990, p. 13

      6/1/1990, p. 30-31

      3/1/1989, p. 30-31

      5/1/1988, p. 17

      9/1/1986, p. 25

      3/15/1986, p. 18

      Itinuturo, p. 139-140

      Itinuturo ng Bibliya, p. 129-130

      Pag-ibig ng Diyos, p. 77

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 18, 205

      Brosyur na Dugo, p. 4-5, 20, 22

      Gumising!,

      6/8/1990, p. 6

      10/8/1988, p. 15

      Mabuhay Magpakailanman, p. 216

      Nangangatuwiran, p. 139, 141

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15:29

      patuloy na umiwas: Ang pandiwang ginamit dito ay puwedeng tumukoy sa lahat ng gawaing binanggit. Dapat iwasan ng mga Kristiyano ang idolatriya, seksuwal na imoralidad, at pagkain ng karne ng hayop na binigti at hindi napatulo nang mabuti ang dugo. May kinalaman sa pag-iwas sa dugo, ang pandiwang ginamit ay hindi lang basta tumutukoy sa hindi pagkain nito. Saklaw nito ang pag-iwas sa lahat ng maling paggamit ng dugo para maipakita ang paggalang sa kabanalan nito.—Lev 17:11, 14; Deu 12:23.

      patuloy na umiwas . . . sa dugo: Ang pinakabatayan ng tagubiling ito ay ang utos ng Diyos na huwag kumain ng dugo, isang utos na ibinigay niya kay Noe at sa mga anak nito; kaya sa diwa, utos ito para sa lahat ng tao. (Gen 9:4-6) Pagkalipas ng walong siglo, isinama ng Diyos ang utos na ito sa Kautusang ibinigay niya sa Israel. (Lev 17:13-16) At makalipas pa ang 15 siglo, inulit niya ang utos na iyan sa kongregasyong Kristiyano, gaya ng mababasa rito. Para sa Diyos, ang pag-iwas sa dugo ay kasinghalaga ng pag-iwas sa idolatriya at seksuwal na imoralidad.

      binigti: Tingnan ang study note sa Gaw 15:20.

      seksuwal na imoralidad: Tingnan ang study note sa Gaw 15:20.

      Hanggang sa muli!: O “Mabuting kalusugan sa inyo!” Karaniwan lang sa mga liham noon ang ekspresyong Griego na ginamit dito. Hindi naman ito nangangahulugan na kapag sinunod ang nabanggit na mga tagubilin ay magiging malusog ang isang tao. Isang pagbati lang ito na nagpapakitang gusto ng sumusulat na maging malakas, malusog, at masaya ang sinusulatan niya. Katulad ito ng Hebreong ekspresyon na sha·lohmʹ (“kapayapaan”) na ginagamit din sa pagbati. (Exo 4:18; Huk 18:6; 19:20; 1Sa 1:17) Sa katunayan, sa isang makabagong Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J22 sa Ap. C4), ang ekspresyong ito ay tinumbasan ng sha·lohmʹ la·khemʹ, “Sumainyo nawa ang kapayapaan!”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share