-
2 Corinto 2:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Pero salamat sa Diyos! Lagi niya tayong inaakay sa isang prusisyon ng tagumpay kasama ng Kristo, at ginagamit niya tayo para ipalaganap ang halimuyak ng kaalaman tungkol sa kaniya sa lahat ng lugar!
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
inaakay sa isang prusisyon ng tagumpay: Dalawang beses lang lumitaw sa Kasulatan ang salitang Griego na thri·am·beuʹo, na nangangahulugang “akayin sa isang prusisyon ng tagumpay.” Sa mga paglitaw na iyon, parehong makasagisag ang pagkakagamit ng salitang ito pero magkaibang bagay ang tinutukoy. (2Co 2:14; Col 2:15) Ang Romanong prusisyon ng tagumpay ay parada ng pasasalamat sa mga bathala at pagbibigay-pugay sa isang matagumpay na heneral. Makikita ang ganitong mga prusisyon sa mga eskultura, painting, at barya. Itinatampok din ang mga ito sa mga literatura at mga pagtatanghal sa teatro. Ang tagumpay ng mga Romano noong Hunyo 71 C.E. ay nakaukit sa Arko ni Tito sa Roma. Makikita roon ang mga sundalong Romano na may dalang sagradong mga sisidlan mula sa wasák na templo ng Jerusalem.
ipalaganap ang halimuyak: O “maipaamoy ang halimuyak.” Posibleng galing ang ekspresyong ito sa kaugalian ng pagsusunog ng insenso habang dumaraan ang prusisyon ng tagumpay. Inihalintulad ni Pablo ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa Diyos sa pagpapalaganap ng halimuyak.
-