-
2 Tesalonica 2:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Isa siyang kalaban, at itinuturing niya ang sarili niya na mas mataas kaysa sa bawat isa na tinatawag na diyos o anumang bagay na sinasamba, kaya umuupo siya sa templo ng Diyos para ipakita sa mga tao na isa siyang diyos.
-
-
Mga Study Note sa 2 Tesalonica—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
itinuturing niya ang sarili niya na mas mataas kaysa sa bawat isa na tinatawag na diyos o anumang bagay na sinasamba: Ang pariralang “anumang bagay na sinasamba” ay ipinanumbas sa salitang Griego na puwede ring isaling “anumang bagay na lubhang iginagalang.” Ipinapahiwatig dito ni Pablo na itataas ng “napakasamang tao” ang sarili niya sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga bagay na salungat sa mga turo ng Diyos. (2Te 2:3) Posibleng kasama sa “bawat isa na tinatawag na diyos” ang makapangyarihang mga tao, gaya ng mga opisyal ng gobyerno. (Ihambing ang Ju 10:34-36.) Kaya ipinapahiwatig dito ni Pablo na ang mayabang na ‘taong’ ito ay aasta na parang walang puwedeng kumuwestiyon sa mga turo niya.
umuupo siya sa templo ng Diyos: Lumilitaw na idiniriin dito ni Pablo ang pagiging mapagkunwari ng “napakasamang tao.” (2Te 2:3) Ang totoo, hindi siya puwedeng umupo sa templo ng Diyos (o “tirahan ng Diyos”), pero nagkukunwari siyang nagagawa niya ito. Ang pagkakagamit dito ni Pablo ng tiyak na Griegong pantukoy bago ang salitang “Diyos” ay nagpapakitang inaangkin ng ‘taong’ ito na kinatawan siya ng tunay na Diyos.
-