ACEDERA
[sa Ingles, sorrel].
Alinman sa maraming halaman na mula sa pamilya ng mga buckwheat na maasim ang lasa dahil sa oxalic acid sa makakatas na dahon at tangkay ng mga ito. Ang mga dahon ng acedera (Rumex acetosella) na umuusbong mula sa ugat ay tumutubo bilang isang kumpol. Ang waring biluhabang mga dahon nito na hugis-palaso sa pinakapuno ay may haba na mga 10 sentimetro (4 na pulgada). Ang mga tangkay ng bulaklak nito ay maaaring tumaas nang mga 0.6 m (2 piye) o higit pa. Noong sinauna, inihahalo ng mga Israelita ang acedera sa kumpay para sa kanilang mga baka at mga asno.—Isa 30:24.