Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 1/22 p. 3
  • Sino ang Magmamana ng Lupa?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ang Magmamana ng Lupa?
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Ang Maaamo ay Magmamana ng Lupa’—Paano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Tuluyan Na Bang Sisirain ng Tao ang Lupa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Ang Lupa—Isang Walang-Hanggang Mana ng Maaamo
    Gumising!—1989
  • “Kung Paano sa Langit, Gayundin sa Lupa”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 1/22 p. 3

Sino ang Magmamana ng Lupa?

SINAGOT ni Jesus ang tanong na ito sa kaniyang Sermon sa Bundok: ‘Mamanahin ng maaamo ang lupa.’ Mga dantaon na mas maaga sinabi ng salmistang si David: ‘Ang maaamo ay magmamana ng lupain.’ Tungkol sa Diyos na Jehova mismo sinasabing: “Ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng tao.”​—Mateo 5:5; Awit 37:11; 115:16.

Nang likhain ni Jehova ang tao, inilagay Niya ang tao na tagapangalaga ng lupa. Kaniyang inutusan siya na “bungkalin ito at pangalagaan ito.” (Genesis 2:15) Sa halip, dinurumhan at sinisira ito ng tao. Inihula ng Apocalipsis 11:18 na kaniyang ihihinto ito at tanging Diyos lamang ang makapagpapahinto nito. Ang Diyos ang siyang “magpapahamak sa mga nagpapahamak sa lupa.” Hindi nadirinig ng tao kapag ang kagandahan ng lupa ay sumisigaw sa pagprotesta, subalit malinaw niyang naririnig kapag bumubulong ang salapi.​—1 Timoteo 6:10.

Datapuwat ang salapi ay isa ring pangwakas na biktima. Isang editoryal sa U.S.News & World Report ay nagtatanong ng isang nauugnay na tanong sa pinag-uusapan:

“Sino ang mga makatotohanan ngayon? Sa nakalipas na mga taon, ang mga mamamayang nababahala tungkol sa kung ano ang ginagawa natin sa ating planeta ay pinagtatawanan bilang mga idealista, mahilig manakot at mga mapakialam. Ngayon biglang-biglang naging maliwanag na ang ‘di-praktikal’ na mga nababahala ay tama kung tungkol sa pag-ulan ng asido, tungkol sa pagguho ng pananggang ozone ng lupa at tungkol sa pangglobong pagbabago ng klima dahil sa pagdumi natin sa atmospera gawa ng carbon dioxide, ang pag-init sa ibabaw ng lupa.

“Sa lahat ng tatlong kaso, tayo at ang ating mga anak ay magbabayad nang mahal dahil sa mapagnais na saloobin ng ipinalalagay na mga taong praktikal. Hinadlangan ng kanilang ‘realismo’ ang pagkontrol sa polusyon na nagkakahalaga sana ng milyun-milyon nang panahong iyon, subalit ngayon ay nakakaharap natin sa halaga ng pagkalaki-laking bilyon para sa hindi mababaligtad na mga resulta na maaari pa ngang gumawa ng pangglobong kapahamakan.”

Yaong mga mayroon sanang ginawa tungkol dito ay nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan habang ang mga tao ay nagkakasakit at namamatay. At ginagawa pa rin nila ito. Pinatutunayan ng anim na libong taon ng kasaysayan ng tao ang katotohanan ng Bibliya, nang sabihin nito: “Talastas ko, Oh Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi para sa taong lumalakad ang kahit magtuwid ng kaniyang hakbang.”​—Jeremias 10:23.

Ibinibigay ng Diyos sa tao ang patnubay na kailangan niya: “Ang iyong salita ay ilawan sa aking paa, at tanglaw sa aking daan.” (Awit 119:105) Ito’y umaakay sa kaligayahan: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, na Siyang nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na Siyang pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong dapat lakaran. Oh kung sana’y talagang magbibigay-pansin ka sa aking mga utos! Kung magkagayo’y magiging gaya ng isang ilog ang iyong kapayapaan, at ang iyong katuwiran ay gaya ng mga alon ng dagat.”​—Isaias 48:17, 18.

Subalit ang karamihan sa sangkatauhan ay walang kaamuan upang tanggapin ang patnubay buhat sa Diyos at sa gayo’y anihin ang mga pakinabang nito. Dapat nitong igiit ang kasarinlan nito, dapat nitong igiit ang pagtahak sa daan tungo sa kapahamakan. Ang maaamo lamang ang nakasusumpong sa “daan na patungo sa buhay.”​—Mateo 7:13, 14.

Ang mga tao ngayon ay naging di-akma sa gawain. Una’y dinurumhan nila ang kanilang sarili sa moral na paraan, pagkatapos literal na dinurumhan nila ang lupa. Ang polusyong ito sa moral ang gumagawa sa kanila na di-angkop sa paningin ng Diyos upang magmana ng lupa. Ang sumusunod na artikulo ay nagbibigay ng dalawang halimbawa kung paano lubhang dinumhan ng imoralidad ng mga tao ang lupain anupa’t sila’y pinaalis dito. Ang dalawang halimbawa ay noon pang sinaunang kasaysayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share