Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 5/15 p. 21-23
  • Kung Paano Magtatagumpay sa Ministeryo ng Pagpapayunir

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Magtatagumpay sa Ministeryo ng Pagpapayunir
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Gaano Katibay ang Aking Kaugnayan sa Diyos?
  • Gaano Bang Kalaki ang Pag-ibig Ko sa mga Tao?
  • Ako ba’y May Timbang na Iskedyul?
  • Ako ba ay Isang Umuunlad na Tagapagturo?
  • Ang mga Pagpapala sa Ministeryong Pagpapayunir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Pinatitibay ng Pagpapayunir ang Kaugnayan Natin sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Ang mga Payunir ay Nagkakaloob at Tumatanggap ng mga Pagpapala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Paglilingkuran Bilang Payunir—Ito Ba’y Para sa Iyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 5/15 p. 21-23

Kung Paano Magtatagumpay sa Ministeryo ng Pagpapayunir

ANG karera mo ba’y ang ministeryo ng pagpapayunir? Kung ikaw ay isang payunir, o buong-panahong tagapagbalita ng Kaharian, tiyak na ikaw ay interesado sa pagtatagumpay. Subalit ang tagumpay ay nangangailangan ng hindi lamang paggugol ng panahon sa isang takdang propesyon. Ang isang matagumpay na tao ay kailangang magsanay at patuluyan na paunlarin ang kaniyang mga kakayahan.

Kung gayon, paano ka hindi lamang makapagpapatuloy bilang isang payunir kundi rin naman makagagawa ng pag-unlad sa iyong karera? Mayroong mga ilang pangunahing katanungan na maaari mong pag-isipan.

Gaano Katibay ang Aking Kaugnayan sa Diyos?

Isa sa pinakamahalagang batayan ng pagtatagumpay bilang isang payunir ay ang pagkakaroon ng matalik, at matibay na kaugnayan kay Jehovang Diyos. Sa bagay na ito, tayo’y may matututuhang aral buhat sa salmistang si David. Siya’y nagsumamo: “Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Jehova; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan at ituro mo sa akin, sapagkat ikaw ay Diyos ng aking kaligtasan. Sa iyo’y naghihintay ako buong araw.”​—Awit 25:4, 5.

Si David ay lubos na umasa sa ‘Diyos ng kaniyang kaligtasan.’ Kaniyang ninasa na turuan siya ni Jehova at ‘ituro sa kaniya ang Kaniyang sariling mga daan.’ Nahahalata mo ba ang nag-aapoy na pagnanasa ni David na palugdan ang Diyos? Ito’y hindi lamang isang biglaang pagnanasa, sapagkat sinabi ni David: “Sa iyo’y naghihintay ako buong araw.”

Subalit paano ka nga makapananatili sa gayong malapit na kaugnayan kay Jehova? Pansinin na ang binanggit sa itaas ay mga pananalita ni David sa panalangin. Oo, ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng panalangin ang mismong saligan ng isang mabuting kaugnayan sa Diyos. At tayo’y maaaliw ng kaalaman na hindi na kailangan pang gumawa ng pakikipagtipan sa pakikipag-usap sa ating makalangit na Ama. Tayo’y makalalapit sa kaniya anumang oras. Gaya ng sinabi ni David: “Sa iyo’y dumaraing ako buong araw.” (Awit 86:3) Kahit na ang sariling Anak ng Diyos, na lumakad sa lupa bilang isang sakdal na tao, ay nakabatid na hindi siya magtatagumpay kung walang tulong ng kaniyang Ama. Si Jesus ay nakipag-usap sa kaniya sa panalangin sa buong araw​—sa kinaumagahan, sa maghapon, at hanggang sa kalaliman ng gabi.​—Marcos 1:35; Lucas 11:1; 6:12.

Bilang mga Kristiyano, kailangang sundin natin ang halimbawa ni Jesus kung ibig nating magtagumpay sa ating ministeryo. (Hebreo 5:7) Tungkol sa panalangin, ang isang babaing Kristiyano na naging isang matagumpay na payunir sa loob ng 30 taon ay nagsabi ng ganito: “Nasumpungan ko na ang panalangin ay kinakailangan kung ibig kong magtagumpay bilang isang payunir. Ito ang tumulong sa akin na lubusang umasa kay Jehova, sa pagkatanto na hindi ko magagawa iyon kung sa ganang sarili ko lamang. Patuluyan na hinihiling ko kay Jehova na tulungan ako upang makapagpatuloy.”

Oo, upang magtagumpay sa paglilingkuran bilang payunir, kailangang mayroon kang matibay na kaugnayan kay Jehova, lubusang tumitiwala sa kaniya sa pamamagitan ng panalangin. Gayunman, ang sumusunod ay isa pang mahalagang tanong na dapat itanong sa iyong sarili.

Gaano Bang Kalaki ang Pag-ibig Ko sa mga Tao?

Ang pagpapayunir ay isang kapahayagan ng pag-ibig. Bakit? Sapagkat sa buong-panahong ministeryo ay kasangkot ang espiritu ng pagsasakripisyo-sa-sarili. Bilang isang payunir ikaw ay patuluyang nagbibigay ng iyong panahon at lakas upang tulungan ang iba. Subalit kung ibig mong magpatuloy sa paggawa nito, ikaw ay kailangang tunay na interesado sa mga pangangailangan ng iba. Nang siya’y nasa lupa, ipinakita ni Jesus ang gayong pag-ibig sa mga tao. Halimbawa, gaya ng pagkakataon nang siya at ang kaniyang mga alagad ay sakay ng bangka patungo sa isang dakong ilang upang ‘magpahinga nang kaunti.’ Gayunman, ang karamihan ng mga tao ay nagpauna sa kanila. “Ngayon, nang siya’y lumabas, kaniyang nakita ang isang malaking pulutong ng mga tao, ngunit siya’y nahabag sa kanila, sapagkat sila’y gaya ng mga tupa na walang pastol. At siya’y nagsimulang turuan sila ng maraming bagay.”​—Marcos 6:30-34.

Tulad ni Jesus, bilang mga payunir tayo’y kailangang may malalim-ang-pagkakaugat na pag-ibig sa mga tao. Ang gayong pag-ibig ang magpapakilos sa atin upang gugulin ang ating lakas sa kanilang kapakanan. Tulad ng minsa’y sinabi ng eskriba kay Jesus: “Ang pag-ibig na ito [sa Diyos] nang buong puso at nang buong pagkaunawa at nang buong lakas at ang pag-ibig na ito sa kapuwa gaya ng sa kaniyang sarili ay higit pa kaysa lahat ng buong mga handog at mga hain na sinusunog.” (Marcos 12:33) Ang mga salitang ito ay tumutulong sa atin na maintindihan na hindi lamang ang ating ginagawa sa ating ministeryo ang mahalaga kundi rin naman pati kung bakit natin ginagawa iyon.

Bilang isang payunir, ikaw ay gumugugol ng mas higit na panahon sa pangangaral at paggawa-ng-alagad kaysa karamihan. Subalit ikaw ay mayroong lalong maraming tao na nakakausap. Ano ba ang iyong damdamin sa kanila? Isang payunir ang nagsabi: “Batid ko na ang pag-ibig ay isang bunga ng espiritu ng Diyos. Kaya’t kung wala iyan ay wala na rin ako sa katotohanan, huwag nang banggitin pa ang pagtatagumpay bilang isang payunir. Dahil sa pag-ibig ay nagiging palaisip ako sa mga tao, palaisip ako sa kanilang mga pangangailangan, at naiintindihan ko na ang mga tao ay tumutugon sa pag-ibig. Kung sabagay, may panahon na ang iyong pag-ibig sa mga tao ay masusubok dahilan sa kanilang saloobin o ipinakikitang ugali. Sa ganiyang mga pagkakataon sinisikap kong makinig at maging matiisin.”

Ganiyan ba ang nadarama mo tungkol sa mga tao sa iyong teritoryo? Upang maging matagumpay na payunir, kailangang may pag-ibig ka sa mga tao. (1 Tesalonica 2:6-8) Gayunman, upang maging epektibo sa iyong karera na pagpapayunir, kailangan mo rin ang isang mabuting iskedyul. Kung gayon, tanungin ang iyong sarili:

Ako ba’y May Timbang na Iskedyul?

Upang matagumpay na makapagpatuloy sa buong-panahong ministeryo, ang isang payunir ay kailangang may mainam ang pagkaorganisa na iskedyul. Kung siya’y walang mainam na iskedyul, baka hindi gaanong magtagumpay ang kaniyang pagpapayunir. Mangyari pa, ang pagkakaroon ng iskedyul sa paggugol ng isang espesipikong dami ng oras sa ministeryo sa larangan ay hindi siyang tanging kailangan.

Ang isang payunir ay nangangailangan ng isang balanseng iskedyul. Mayroon ka bang gayon? Baka mabuting itanong mo sa iyong sarili: Ako ba’y gumugugol ng angkop na dami ng oras sa iba’t ibang bahagi ng ministeryo? Masasabi ko ba na ako’y gumugugol ng lahat ng pagsisikap upang marating ang mga tao sa teritoryo? Ako ba’y gumagawa ng kinakailangang mga pagsasaayos ng aking iskedyul upang sila’y madalaw ko pagka sila’y nasa tahanan? Ang akin bang mga pagdalaw muli ay epektibo? Sinabi ni Jesus: “Humayo samakatuwid at gumawa ng mga alagad sa mga tao . . . turuan sila.” (Mateo 28:19, 20) Kapuwa ang pangangaral at pagtuturo ay mahalagang mga bahagi ng ating ministeryo. Ikaw ba ay kontento na sa paglalagay lamang ng mga literatura, o ikaw ay dumadalaw muli sa lahat ng nagpapakita ng interes, tumanggap man sila o hindi ng literatura sa Bibliya? Sa maikli, pinakamalaking kapakinabangan ba ang nakukuha mo sa iyong panahong ginugugol?

Ako ba ay Isang Umuunlad na Tagapagturo?

Ito ay isa pang mahalagang katanungan. Sa 2 Timoteo 4:2, si Pablo ay sumulat: “Ipangaral mo ang salita, gawin mo ito nang apurahan sa kaaya-ayang panahon, sa maligalig na panahon, . . . nang may buong pagbabata at sining ng pagtuturo.” Upang maipangaral ang salita, sa loob man o sa labas ng kongregasyon, ang matagumpay na mga payunir ay nagsisikap na makamit at mapahusay nang husto ang sining ng pagtuturo. Bakit nga ba tinatawag ni Pablo na isang sining ang pagtuturo? Sapagkat ang pagtuturo ay nangangailangan ng pagkadalubhasa at pagsasanay.

Paano mo ba pasusulungin ang iyong pagkadalubhasa bilang isang tagapagturo? Si apostol Pablo ay sumasagot: “Bulay-bulayin mo ang mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito, upang ang iyong pagsulong ay mahalata ng lahat ng tao.” (1 Timoteo 4:15) Oo, ang mga payunir ay kailangang mag-ukol ng panahon sa personal na pag-aaral ng Bibliya, sa pagmumuni-muni, at pagbubulay-bulay. Kasali na rito ang praktikal na pagkakapit ng mga mungkahing nasa publikasyon na gaya ng Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, Ating Ministeryo ng Kaharian, at Giya sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro.a

Samakatuwid, upang magtagumpay sa ministeryo ng pagpapayunir kailangang manatili ka sa iyong matibay at personal na kaugnayan sa Diyos na Jehova. Sa kabilang panig, ito ang magpapakilos sa iyo na magkaroon at magpamalas ng isang malalim-ang-pagkakaugat na pag-ibig sa mga tao. Mangyari pa, upang maipahayag ang pag-ibig na ito, ikaw ay hindi lamang kailangang maging palaisip tungkol sa kung gaanong panahon ang ginugugol mo sa ministeryo, subalit kailangang ibig mo ring makinabang nang pinakamalaki sa panahong ginugugol mo. Sa paano? Sa pamamagitan ng lubusang pagsisikap na marating ang pinakamaraming mga tao hangga’t maaari upang mahatdan sila ng mensahe ng Kaharian. Sa wakas, patuloy na maging maunlad bilang isang tagapagturo sa pamamagitan ng pagkatuto ng iba’t ibang pamamaraan ng paglapit sa mga tao sa ministeryo at masikap na pag-aaral ng Bibliya upang mapahusay pa ang iyong sining ng pagtuturo.

[Talababa]

a Lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share