Ang Pambuong Daigdig na Ulat ng Paglilingkod—Isang Sanhi ng Kagalakan
1 Ang pambuong daigdig na ulat ng paglilingkod para sa 1986 ay nagbibigay ng malinaw na katunayan na ang bayan ni Jehova ay may kasiglahang tumugon sa taunang teksto: “Humayo kayo . . . , ibalita ang kaharian ng Diyos.” (Luk. 9:60) Ipinakikita rin nito na mayamang pinagpala ni Jehova ang ating pagsisikap sa ministeryo. Anong ligaya natin na nagkaroon ng bahagi sa pagsigaw ng malakas na papuri sa pangalan ni Jehova!—Awit 95:1, 2.
2 Habang maingat nating sinusuri ang 1987 ulat ng Yearbook, walang pagsalang tayo ay mapakikilos na higit pang purihin si Jehova, gaya ni David sa Awit 9:1, 2. Tunay na ang papuri ay karapatdapat kay Jehova dahilan sa paraan ng pag-aalis niya ng mga hadlang, pananagumpay sa mga pagsalansang, at pagbibigay ng tagumpay sa ating ministeryo.—1 Cor. 3:6, 7; ihambing ang Awit 9:7-11.
NAMUMUKOD-TANGING ULAT NG PAGLILINGKOD
3 Oo, ang 1986 taon ng paglilingkod ay namumukod-tangi sa lahat ng paraan. Ang nailagay na aklat ay sumulong ng 23.9 porsiyento, na may kabuuang bilang na 23,828,314. Isipin na lamang ang milyun-milyong mga tao na nakabasa ng pabalita ng Kaharian na taglay ng mga aklat na ito!
4 Nagkakaroon tayo ng ideya kung gaano kaabala ang mga lingkod ni Jehova kapag binubulay-bulay natin ang kabuuang 680,837,042 oras na ginugol sa paglilingkod sa larangan. lyon ay 15 porsiyentong pagsulong kaysa 1985. Milyun-milyong mga oras na iyon ang ginamit sa pangangasiwa ng 2,726,252 mga pag-aaral sa Bibliya bawa’t buwan, 14-porsiyentong pagsulong.
5 Ang pagiging mabisa ng ministeryong ito sa paggawa ng mga alagad ay maliwanag na nakikita. Ang 225,868 na nabautismuhan ay kumakatawan sa kamangha-manghang 19 na porsiyentong pagsulong kaysa 1985. Ang aberids na mamamahayag ay sumulong ng 6.9 porsiyento tungo sa 3,063,289. Ang pinakamataas na bilang ay umabot sa 3,229,022. Ang 21.2-porsiyentong pagsulong sa mga payunir, tungo sa 391,294 bawa’t buwan ay namumukod-tangi.
6 Ang mainam na pagsulong sa mga mamamahayag ng Kaharian ay naging sanhi anupa’t maraming bagong kongregasyon ang naitatag sa loob ng taon. Ang pambuong daigdig na bilang ay umabot sa 52,177, na nangangahulugang 2,461 karagdagang kongregasyon kaysa noong 1985.
7 Ang lahat ay masisiyahang makaalam na 8,160,597 ang dumalo sa pagdiriwang ng Memoryal noong Marso 24. Ito ay 4.7-porsiyentong pagsulong kaysa nakaraang taon. Kung ating isinasaalang-alang kung ano ang ating nagawa sa 208 mga lupain noong nakaraang taon at ang ipinakikitang potensiyal para sa patuloy na pagsulong, mayroon tayong malaking dahilan upang magalak at pasalamatan si Jehova para sa kaniyang kabutihan.—Awit 22:22.
ULAT SA PILIPINAS
8 Ano naman ang tungkol sa ulat ng Pilipinas? Nagkaroon tayo ng 88,174 na aberids ng mga mamamahayag, 12-porsiyentong pagsulong. Noong Abril ay naabot natin ang peak na 95,746. Ang dumalo sa ating Memoryal ay 274,565 na 2 porsiyento ang kataasan kaysa 1985, at natapos natin ang taon sa Pilipinas taglay ang 2,540 mga kongregasyon. Ang higit na namumukod-tangi ay ang pagsulong sa mga regular payunir. Lumaki ito mula sa aberids na 6,732 noong 1985 tungo sa 9,610 noong 1986, 44-porsiyentong pagsulong!
9 Sa bansang ito ay may 9,070 ang nabautismuhan sa isang taon, 24-porsiyentong pagsulong. Libu-libo pa ang gumagawa ng pagsulong sa pamamagitan ng mga pag-aaral sa Bibliya at natutulungan tungo sa pag-aalay at bautismo.—2 Cor. 6:2.
ANO PA ANG NASA HARAPAN
10 Habang tayo ay nagpapatuloy sa 1987 taon ng paglilingkod, tumitingin tayo kay Jehova ukol sa kaniyang pagpapala. Gayumpaman, kailangan pa ring “sumagana sa gawa ng Panginoon.” (1 Cor. 15:58) Milyun-milyong mga tao ang nakikinig sa pabalita ng Kaharian. Mapasigla nawa tayo ng mga salita sa ating taunang teksto sa Josue 24:15: “Sa ganang akin at sa aking sambahayan, kami ay maglilingkod kay Jehova.”