Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MAYO 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Magkaroon ng maikling komento sa teksto sa araw na ito.
20 min: “Ang Karangalang Magtaglay ng Pangalan ni Jehova.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo. Sa parapo 7 isaayos ang isang maikling pagtatanghal sa pamamagitan ng isang may kakayahang mamamahayag kung papaano ihaharap ang aklat na Survival, na ginagamit ang Paksang Mapag-uusapan. (Para sa karagdagang mga ideya, tingnan ang artikulo sa ilalim ng “Paghaharap ng Mabuting Balita” sa Abril, 1985 Ating Ministeryo sa Kaharian.)
15 min: Magbibigay ang tagapangasiwa sa paglilingkod ng masiglang pag-uulat sa naging bunga ng pantanging buwan ng Abril sa kongregasyon. Ipakita kung gaano kalaki ang naisakatuparan, lakip ang nagamit na oras, bilang ng literaturang nailagay, mga bagong pag-aaral sa Bibliya na napasimulan, abp. Kapanayamin ang ilan na nag-auxiliary payunir upang malaman kung ano ang kanilang kasiyahan sa gawain at ilang mga karanasan nila. Tanungin sila kung papaano nila inorganisa ang kanilang panahon upang maabot ang kahilingang 60 oras. Mayroon bang nagpatuloy na magpayunir sa Mayo? Mayroon bang nagpaplanong magpatuloy buwan-buwan, o maging mga regular payunir? Pasiglahin ang lahat na tumingin sa hinaharap at palawakin ang kanilang ministeryo hangga’t ipinahihintulot ng kanilang mga kalagayan.
Awit 34 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 19-25
Awit 215
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa Sabadong ito. Itanghal ang dalawang presentasyon na tig-isang minuto na nagtatampok sa kasalukuyang mga isyu ng Ang Bantayan at Gumising!
20 min: “Maaari ba Kayong Tumulong Kung Saan May Pangangailangan?” Tanong-sagot. Isang matanda ang maaaring magbigay ng angkop na mungkahi na kasuwato ng sinasabi sa parapo 5 at 6.
15 min: Pahayag sa artikulong “Am I Watching Too Much TV?” sa Awake! ng Disyembre 22, 1984 (Mayo 22, 1985 sa Tagalog).
Awit 181 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 26—HUNYO 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Idiin ang unang Linggong paglilingkod sa Hunyo 2. Repasuhin ang ilang litaw na punto sa aklat na Mabuhay Magpakailanman na maaaring ialok sa Hunyo, na ginagamit ang Paksang Mapag-uusapan.
20 min: “Pagtuturo sa mga Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo. Itanghal ng isang may kakayahang guro kung papaanong ang karagdagang mga tanong ay aakay sa tinuturuan na makasagot kapag hindi niya kaagad masumpungan iyon, gaya ng inilalarawan sa parapo 8.
15 min: “Youths, ‘What You Sow Yo Reap.’” Pahayag at pagtalakay kasama ng dalawa o tatlong kabataan sa mga punto ng artikulo sa Watchtower ng Nobyembre 15, 1984 (Mayo 1, 1985 sa Tagalog).
Awit 156 at panalangin.
LINGGO NG HUNYO 2-8
10 min: Lokal na mga patalastas at pahayag sa “Maging Matatag sa Pananampalataya.” Lumikha ng kasiglahan para sa dumarating na pansirkitong asamblea at sa kahalagahang pagdalo sa bawa’t sesyon. Ipakita kung papaanong ang tema ay angkop sa araw na ito na daan-daang libo ang pumapasok sa organisasyon.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa mga Kamag-anak at mga Kakilala.” Tanong-sagot. Itanghal ang isang mataktikang paraan na maaaring gamitin ng isang mamamahayag samantalang dumadalaw sa isang kamag-anak. Gayundin, itanghal kung papaano ibinabahagi ng isang Saksi ang katotohanan sa isang kakilala na matagal na niyang hindi nakikita mula nang siya ay maging isa sa mga Saksi ni Jehova.
18 min: “Family Communication—How Can It Be Improved?” Pahayag mula sa Enero 8, 1985 ng Awake! (Hunyo 8, 1985 sa Tagalog). Maaaring itampok ng tagapagsalita ang mga punto mula sa Awake! na ito na maaaring gamitin sa dulong sanlinggong ito sa pag-aalok nito sa mga tao.
Awit 165 at panalangin.