Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rs p. 300-p. 302
  • Pagsamba sa Ninuno

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagsamba sa Ninuno
  • Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagsamba ba sa Ninuno ay Para sa mga Kristiyano?
    Gumising!—1989
  • Espiritismo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Ano Ang Kalagayan ng mga Patay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Matutulungan ba ng Patay ang Buháy?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
rs p. 300-p. 302

Pagsamba sa Ninuno

Kahulugan: Ang kaugalian ng pagpaparangal at pagsamba sa patay na mga ninuno (sa paraang seremonyal o iba pa) sa paniwalang sila ay may malay sa isang di-nakikitang dako at maaaring makatulong o makapanakit sa mga nabubuhay at dahil dito’y dapat na mapaluguran. Hindi itinuturo ng Bibliya.

Namamalayan ba ng patay na mga ninuno kung ano ang ginagawa ng mga buháy at ang mga ninuno bang ito ay maaaring tumulong sa mga taong nabubuhay?

Ecles. 9:5: “Nalalaman ng mga buháy na sila’y mangamamatay; nguni’t kung tungkol sa mga patay, sila’y walang nalalamang ano pa man.”

Job 14:10, 21: “Nguni’t ang taong makalupa ay namamatay, at saan siya naroroon? Ang kaniyang mga anak ay pinararangalan, nguni’t hindi niya nalalaman.”

Awit 49:10, 17-19: “Maging ang mga pantas ay nangamamatay, ang mangmang at ang hangal ay magkasamang nalilipol, at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa iba. . . . Pagka siya’y namatay ay wala siyang dadalhing ano pa man; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang kasunod niya. . . . Ang kaluluwa niya’y magwawakas na gaya rin ng lahi ng kaniyang mga ninuno. Kailanma’y hindi na sila makakakita ng liwanag.”

Hindi ba totoo na ang pagkaing inilalagay sa ibabaw ng isang dambana o puntod ay nananatiling di-nagagalaw? Hindi ba ito nagpapahiwatig na ang mga patay ay hindi nakikinabang mula roon?

Tingnan din ang paksang “Espiritismo.”

May dahilan bang matakot na baka tayo saktan ng ating patay na mga ninuno?

Ecles. 9:5, 6: “Kung tungkol sa mga patay, . . . ang kanilang pag-ibig at ang kanilang poot at ang kanilang pananaghili ay nawala na, at wala na silang anomang bahagi magpakailanman sa anomang bagay na dapat gawin sa ilalim ng araw.”

Mayroon bang espirituwal na bahagi ng tao na nakakaligtas pagkamatay ng katawan?

Ezek. 18:4: “Narito! Lahat ng kaluluwa ay akin. Kung papaano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin. Ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.” (Gayon din ang Eze 18 bersikulo 20)

Awit 146:3, 4: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga mahal na tao, ni sa anak ng makalupang tao . . . Ang kaniyang espiritu ay pumapanaw, siya’y nagbabalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay nawawala ang kaniyang pag-iisip.”

Ang mga siyentipiko at siruhano ay hindi nakasumpong ng katibayan hinggil sa isang may-malay, nabubuhay na bahagi ng tao na nakakaligtas pagkamatay ng katawan.

Tingnan din ang mga pahina 107-109, sa ilalim ng pamagat na “Kamatayan.”

Hahangarin ba ninyo na ang inyong mga anak at apo ay magpakita ng paggalang at pag-ibig sa inyo habang kayo’y nabubuhay o na sila’y magsagawa ng mga rituwal sa inyong libingan kapag kayo’y patay na?

Efe. 6:2, 3: “ ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’; na siyang unang utos na may pangako: ‘Upang yumaon kang mabuti at ikaw ay mabuhay nang malaon sa lupa.’ ” (Ang mga anak na sinanay sa mga simulain ng Bibliya ay nagpapakita ng ganitong paggalang na nagdudulot ng kagalakan sa puso ng kanilang mga magulang samantalang ang mga ito’y nabubuhay pa.)

Kaw. 23:22: “Makinig ka sa iyong ama na sanhi ng iyong pagsilang, at huwag mong hamakin ang iyong ina dahil sa siya’y matanda na.”

1 Tim. 5:4: “Kung sinomang babaing balo ay may mga anak o apo, dapat magsipag-aral muna ang mga ito na manahang may kabanalan sa kanilang sariling sambahayan at magsiganti sa kanilang mga magulang at nuno, sapagka’t ito’y nakalulugod sa paningin ng Diyos.”

Kapag inaangkin ng mga espiritista na sila’y tumatanggap ng mga mensahe mula sa mga patay, saan talaga nagmumula ang mga yaon?

Isa. 8:19: “Sakaling sabihin nila sa inyo: ‘Hanapin ninyo ang mga nakikipagsanggunian sa masasamang espiritu o yaong may espiritu ng panghuhula na nagsisihuni at nagsisibulong,’ hindi ba marapat na sa Diyos sumangguni ang alinmang bayan? Dapat bang sumangguni sa mga patay alang-alang sa mga buháy?” (Magbibigay-babala kaya ang Diyos laban sa kaugaliang ito kung talagang sa pamamagitan nito’y maaari tayong makipagtalastasan sa mga minamahal sa buhay?)

Gawa 16:16: “Nang kami’y paparoon sa dakong dalanginan, ay sinalubong kami ng isang aliping babae na may masamang espiritu, isang demonyo na nanghuhula. Dinalhan niya ang kaniyang mga panginoon ng malaking pakinabang dahil sa kakayahan niyang humula.”

Tingnan din ang mga pahina 153, 154, sa ilalim ng “Espiritismo.”

Kanino dapat ipatungkol ang ating pagsamba?

Luc. 4:8: “Sinabi sa kaniya ni Jesus: ‘Nasusulat, “Si Jehovang iyong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.” ’ ”

Juan 4:23, 24: “Dumarating ang oras, at ngayon na nga, na lahat ng tunay na mananamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan, sapagka’t ang totoo’y, hinahanap ng Ama ang mga gayon upang maging mga mananamba niya. Ang Diyos ay Espiritu, kaya’t yaong sumasamba sa kaniya’y kinakailangang magsisamba sa espiritu at katotohanan.”

Ano ang pag-asa ukol sa hinaharap na pagsasamasamang-muli ng mga magkakasambahay, lakip na yaong mga namatay?

Juan 5:28, 29: “Huwag ninyong ipanggilalas ito, sapagka’t dumarating ang oras na lahat niyaong nasa alaalang libingan ay makaririnig sa kaniyang tinig at magsisilabas, yaong mga nagsigawa ng mabuti ay sa pagkabuhay-muli sa buhay, yaong nagsigawa ng masama ay sa pagkabuhay-muli sa paghatol.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share