Young People Ask—What Will I Do With My Life? (Bahagi 2)
Sa main menu ng video na Young People Ask—What Will I Do With My Life?, piliin ang Interviews, at pagkatapos ay piliin ang Sections. Matapos panoorin ang tatlong seksiyon, gamitin ang mga tanong sa ikalawang parapo bilang repaso. Mula sa main menu, piliin naman ang Supplementary Material at matapos panoorin ang limang interbyu, gamitin ang mga tanong sa ikatlong parapo bilang repaso.
Sections—Dedication to Vain Pursuits or to God: (1) Ang mga kabataan ay ginigipit na abutin ang anong mga tunguhin? (2) Paano makatutulong sa mga kabataan ang 1 Juan 2:17 sa pagpapasiya hinggil sa sekular na edukasyon na kukunin? (3) Bakit hindi tayo dapat matakot na magpabautismo? (4) Anong mga bagay ang tutulong sa atin na maging kuwalipikado sa bautismo? Learning to Enjoy Your Ministry: (5) Bakit hindi naliligayahan ang ilan sa ministeryo? (6) Ano ang ilang bagay na makatutulong sa atin? (7) Ano ang mas kinatatakutan ng ilan kaysa sa pakikipag-usap sa taong di-kilala, at bakit? (8) Paano natin madaraig ang ating takot at paano tayo magkakaroon ng lakas ng loob na magsalita? (9) Bakit mahalaga rin na magkaroon ng ilang kasanayan sa ministeryo? An Open Door to Service: (10) Anu-anong pagkakataon ang bukás sa mga payunir upang sumulong sa espirituwal? (Fil. 3:16) (11) Bakit nag-aatubili ang ilan na magpayunir? (12) Anong mga simulain sa Bibliya ang makatutulong sa atin na mapagtagumpayan ang mga ikinababahala sa pananalapi? (13) Ano ang ginawa ng ilan para masuportahan sa pinansiyal ang kanilang sarili habang nagpapayunir? (14) Ano ang maaaring gawin kung hindi ipinahihintulot ng mga kalagayan na makapagpayunir ang isa?
Supplementary Material—The Value of Personal Study: (15) Bakit mahalaga ang mabuting rutin ng personal na pag-aaral? Alternative Witnessing (tumutukoy sa pampublikong pagpapatotoo): (16) Paano makadaragdag sa ating kaligayahan ang pakikibahagi sa iba’t ibang uri ng ministeryo? Bethel Service: (17) Ano ang mga kagalakang dulot ng paglilingkod sa Bethel? Ministerial Training School (tinatawag ngayon na Bible School for Single Brothers): (18) Paano nakinabang ang mga kapatid na nakapag-aral dito? Gilead Missionary Training: (19) Paano naghanda sina Peter at Fiona para sa pagmimisyonero, at paano sila nakinabang sa Gilead?