“Magkaroon ng Pag-ibig sa Buong Samahan ng mga Kapatid”
Ang kinasihang pananalitang ito ay isinulat mga dalawang libong taon na ang nakalilipas. (1 Ped. 2:17) Higit kailanman, kailangan nating ikapit ito ngayon! Paano natin maiibig ang mga kapatid sa buong daigdig? At sa daigdig na ito na salat sa pag-ibig, paano natin matitiyak na hindi lalamig ang ating pag-ibig? (Mat. 24:12) Masasagot mo ba ang sumusunod habang pinanonood ang video na Our Whole Association of Brothers?
(1) Kailan tayo naging bahagi ng ating kapatirang Kristiyano? (2) Nakikibahagi tayo sa anong tatlong gawain na isinasagawa rin ng ating pambuong-daigdig na kapatiran? (3) Paano ipinakikita ng ating mga kapatid ang kanilang determinasyon na mangaral (a) sa mga liblib na lugar ng Alaska, (b) sa pagkalalaking daungan ng Europa, at (c) sa makakapal na kagubatan ng Peru? (4) Bakit hindi natin dapat madama kailanman na ang pangangaral ay isa lamang ordinaryong gawain? (5) Magbigay ng mga halimbawa kung paano inaliw at inalalayan ng mga Saksi ni Jehova ang isa’t isa (a) pagkatapos ng lindol, (b) pagkatapos ng bagyo, at (c) sa panahon ng digmaang sibil. (6) Sa anong praktikal na mga paraan maipakikita nating lahat ang dakilang pagkakakilanlang tanda ng ating kapatirang Kristiyano? (Juan 13:35) (7) Ano ang mga pakinabang ng magkakasamang pagtatayo ng ating sariling mga Kingdom Hall? (8) Paano nakaligtas sa espirituwal na paraan ang ating mga kapatid sa Silangang Europa at Russia nang ipagbawal ang gawain? (9) Anong pambihirang pagsisikap ang ginagawa ng maraming Saksi upang makadalo sa mga kombensiyon, at bakit? (10) Paano pinatibay ng video na ito ang iyong determinasyon na (a) makiisa sa pagsamba kay Jehova sa Kristiyanong pagpupulong kasama ng iyong mga kapatid, (b) tulungan ang iba sa panahon ng kagipitan, at (c) mangaral nang buong katapatan sa anumang panahon at paraang magagawa mo? (11) Paano at kailan natin magagamit ang video na ito sa ministeryo?
Tayo ay bahagi ng kapatirang Kristiyano pangunahin nang dahil sa ating pag-ibig kay Jehova. Kaya gustung-gusto nating matuto tungkol sa kaniya at turuan ang iba tungkol sa kaniya. At iniibig natin ang mga taong iniibig ni Jehova. Kapag tinutulungan natin sila sa panahon ng kagipitan, hindi tayo umaasang pasasalamatan tayo ng Diyos. Sa halip, pinasasalamatan natin ang Diyos dahil itinuturing nating mahalagang regalo mula sa kaniya ang ating kapatirang Kristiyano. Habang papalapít na sa wakas ang daigdig na ito na salat sa pag-ibig, patuloy nawa tayong magpakita ng pag-ibig sa buong samahan ng mga kapatid!