Maging Mapagpatuloy Para Makapagbahagi ng “Mabubuting Bagay” (Mat. 12:35a)
Tiyak na gusto nating lahat na sundin ang “landasin ng pagkamapagpatuloy” para makapagbahagi ng “mabubuting bagay.” (Roma 12:13) Ang mga elder ang nangunguna sa paggawa ng kaayusan para mabigyan ng pamasahe o panggasolina at mapaglaanan ng pagkain ang mga dumadalaw na tagapagsalita. Pero baka mag-alangan tayong maging mapagpatuloy dahil wala tayong kaya sa buhay, o nahihiya tayong mag-imbita sa ating bahay. Para madaig ang ganiyang damdamin, makakatulong ang pagsunod sa payo ni Jesus kay Marta. (Luc. 10:39-42) Idiniin niya na ang “mabuting bahagi” ng pagiging mapagpatuloy ay ang samahan at patibayan, hindi ang magarbong handa o dekorasyon sa bahay. Kung susundin natin ang payong ito, makapagbabahagi tayo ng “mabubuting bagay” sa ating mga kapatid gaya ng sinasabi ng Salita ng Diyos.—3 Juan 5-8.