Iskedyul Para sa Linggo ng Disyembre 29
LINGGO NG DISYEMBRE 29
Awit 37 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 18 ¶1-8 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Josue 12-15 (10 min.)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo (20 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
Tema: Maglabas ng “mabubuting bagay” mula sa mabuting kayamanang ipinagkatiwala sa atin.—Mat. 12:35a.
20 min: Patuloy na Turuan ng “Mabubuting Bagay” ang mga Estudyante sa Bibliya at Nananampalatayang mga Anak. (Mat. 12:35a) Pagtalakay. Gamitin ang sumusunod na teksto para ipakita kung ano ang inaasahan sa mga estudyante sa Bibliya at nananampalatayang mga anak: 1 Corinto 13:11; 1 Pedro 2:2, 3. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng ‘pagtikim’ sa “gatas na nauukol sa salita” at kung paano matutulungan ang mga estudyante at mga anak na gawin ito. Ipaliwanag ang simulain sa Marcos 4:28. (Tingnan ang Bantayan, Disyembre 15, 2014, p. 12, par. 6-8.) Interbyuhin ang isang makaranasang mamamahayag o magulang kung paano niya tinulungan ang isang estudyante sa Bibliya o ang kaniyang anak para sumulong ito sa espirituwal.—Efe. 4:13-15; tingnan ang “Tanong” sa Mayo 2014 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
10 min: “Maging Mapagpatuloy Para Makapagbahagi ng ‘Mabubuting Bagay’ (Mat. 12:35a).” Pagtalakay. Ano ang naging pakinabang o karanasan ng ilan dahil sa pagiging mapagpatuloy? Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano magiging mapagpatuloy, lalo na sa mga nasa buong-panahong paglilingkod. Banggitin ang kaayusan ng kongregasyon sa pagpapakain sa mga dumadalaw na tagapagsalita.
Awit 124 at Panalangin