Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • jy kab. 1 p. 10-p. 11 par. 8
  • Dalawang Mensahe Mula sa Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dalawang Mensahe Mula sa Diyos
  • Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Mensahe Mula sa Langit
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Mga Pasabi Mula sa Langit
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Nagkaanak si Elisabet
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Sila ay Ginantimpalaan Dahilan sa Paglakad Nang Walang Kapintasan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
jy kab. 1 p. 10-p. 11 par. 8
Nagpakita si Gabriel kay Zacarias; nagdalang-tao si Elisabet

KABANATA 1

Dalawang Mensahe Mula sa Diyos

LUCAS 1:5-33

  • INIHULA NG ANGHEL NA SI GABRIEL ANG PAGSILANG NI JUAN BAUTISTA

  • SINABI NI GABRIEL KAY MARIA ANG TUNGKOL SA PAGSILANG NI JESUS

Ang buong Bibliya ay maituturing na mensahe mula sa Diyos. Ibinigay ito ng ating makalangit na Ama para turuan tayo. Tingnan ang dalawang espesyal na mensahe na inihayag mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas. Inihatid ito ng anghel na si Gabriel, na “nakatayo malapit sa harap ng Diyos.” (Lucas 1:19) Ano ang kalagayan noong ihayag ng anghel ang dalawang mahalagang mensaheng iyon?

Mga taóng 3 B.C.E. noon. Saan inihayag ni Gabriel ang unang mensahe? Sa mga burol ng Juda, di-kalayuan sa Jerusalem, nakatira ang isang saserdote ni Jehova na si Zacarias. Sila ng kaniyang asawang si Elisabet ay matanda na, at wala silang anak. Si Zacarias ang naglilingkod noon bilang saserdote sa templo ng Diyos sa Jerusalem. Habang nasa templo siya, biglang nagpakita si Gabriel malapit sa altar ng insenso.

Tiyak na takót na takót si Zacarias. Para mawala ang takot niya, sinabi ng anghel: “Huwag kang matakot, Zacarias, dahil pinakinggan ang pagsusumamo mo, at kayo ng asawa mong si Elisabet ay magkakaanak ng lalaki, at papangalanan mo siyang Juan.” Sinabi pa ni Gabriel na si Juan ay “magiging dakila . . . sa paningin ni Jehova” at ‘ihahanda niya ang mga tao para kay Jehova.’—Lucas 1:13-17.

Sumesenyas si Zacarias gamit ang kaniyang mga kamay

Hindi makapaniwala si Zacarias. Bakit? Dahil matanda na sila ni Elisabet. Kaya sinabi ni Gabriel sa kaniya: “Dahil hindi ka naniwala sa mga sinabi ko, . . . hindi ka makapagsasalita hanggang sa araw na mangyari ang mga iyon.”—Lucas 1:20.

Samantala, nagtataka ang mga taong nasa labas kung bakit napakatagal ni Zacarias sa loob. Paglabas niya, hindi na siya makapagsalita. Sumesenyas lang siya gamit ang kaniyang mga kamay. Maliwanag na may nakita siyang di-pangkaraniwan sa loob ng templo.

Nang matapos ni Zacarias ang mga gawain niya sa templo, umuwi na siya. Di-nagtagal, nagdalang-tao si Elisabet! Sa loob ng limang buwan, habang hinihintay na maisilang ang kaniyang anak, nanatili si Elisabet sa kanilang bahay malayo sa mga tao.

Nagpakita si Gabriel kay Maria

Pagkatapos, nagpakita ulit si Gabriel. Kanino? Sa dalagang si Maria, na nakatira sa lunsod ng Nazaret na nasa rehiyon ng Galilea, hilaga ng Jerusalem. Ano ang sinabi sa kaniya ng anghel? “Nalulugod sa iyo ang Diyos,” ang sabi ng anghel. Sinabi pa nito kay Maria: “Magdadalang-tao ka at magsisilang ng isang anak na lalaki, at papangalanan mo siyang Jesus.” Idinagdag pa ni Gabriel: “Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan, . . . at maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”—Lucas 1:30-33.

Tiyak na napakalaking pribilehiyo para kay Gabriel na ihayag ang dalawang mensaheng ito. Habang patuloy nating binabasa ang ulat tungkol kay Juan at kay Jesus, magiging malinaw sa atin kung bakit napakahalaga ng mga mensaheng ito mula sa Diyos.

  • Sino ang naghatid ng dalawang mahalagang mensahe mula sa Diyos?

  • Kani-kanino inihayag ang dalawang mensahe?

  • Bakit kaya hindi madaling paniwalaan ang dalawang mensahe mula sa Diyos?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share