AWIT 82
Pasikatin ang Inyong Liwanag
Printed Edition
1. Ang utos ni Kristo,
‘Pasikatin n’yo
Ang inyong liwanag
sa mga tao.’
Salita ng Diyos ay
ating ihayag
Nang mapaaninag ang
Kaniyang liwanag.
2. Ating ibalita
ang Kaharian
Nang puso ng tao’y
maliwanagan.
Ang katotohanan
ating sabihin,
At magpapasiya sila
kung tatanggapin.
3. Nagpapaganda sa
ating salita,
Kung kabaitan ay
ipakikita.
Liwanag ay lalong
pasikatin pa.
Tiyak malulugod ang Diyos
sa ating gawa.
(Tingnan din ang Awit 119:130; Mat. 5:14, 15, 45; Col. 4:6.)