Jehova
Ang pangalan niya
Lumilitaw na ang ibig sabihin ng pangalang Jehova ay “Pinangyayari Niyang Maging Gayon”
Kaayon ng kahulugan ng pangalan ni Jehova, ano-anong papel ang ginagampanan niya para mapangalagaan ang mga lingkod niya?
Aw 19:14; 68:5; Isa 33:22; 40:11; 2Co 1:3, 4
Tingnan din ang Aw 118:14; Isa 30:20; Jer 3:14; Zac 2:5
Bakit napakahalaga ng pagpapabanal sa pangalan ng Diyos?
Bakit dapat nating sundin si Jehova, ang Kataas-taasang Tagapamahala sa buong uniberso?
Ilan sa mga titulo ni Jehova
Ama—Mat 6:9; Ju 5:21
Ang Bato—Deu 32:4; Isa 26:4
Dakilang Diyos—Heb 1:3; 8:1
Dakilang Tagapagturo—Isa 30:20
Haring walang hanggan—1Ti 1:17; Apo 15:3
Jehova ng mga hukbo—1Sa 1:11
Kataas-taasan—Gen 14:18-22; Aw 7:17
Kataas-taasang Panginoon—Isa 25:8; Am 3:7
Makapangyarihan-sa-Lahat—Gen 17:1; Apo 19:6
Ilan sa magagandang katangian ni Jehova
Paano nilinaw ni Jehova na banal siya, at ano ang dapat na maging epekto nito sa mga lingkod niya?
Exo 28:36; Lev 19:2; 2Co 7:1; 1Pe 1:13-16
Halimbawa sa Bibliya:
Isa 6:1-8—Nang makita ni propeta Isaias ang kabanalan ni Jehova sa isang pangitain, nanliit siya, pero ipinaalala ng isang serapin na puwede pa ring maging malinis sa paningin ng Diyos ang makasalanang tao
Ro 6:12-23; 12:1, 2—Ipinaliwanag ni apostol Pablo kung paano mapaglalabanan ang pagiging makasalanan at mapapanatili ang kabanalan
Gaano kalakas ang kapangyarihan ni Jehova, at paano niya ito ginagamit?
Exo 15:3-6; 2Cr 16:9; Isa 40:22, 25, 26, 28-31
Halimbawa sa Bibliya:
Deu 8:12-18—Ipinaalala ng propetang si Moises sa bayan na ang lahat ng mabubuting bagay na mayroon sila ay dahil sa kapangyarihang ginamit ni Jehova para sa kanila
1Ha 19:9-14—Ginamit ni Jehova ang kamangha-manghang kapangyarihan niya para patibayin si propeta Elias
Bakit lubusan tayong makakapagtiwala sa katarungan ni Jehova?
Deu 32:4; Job 34:10; 37:23; Aw 37:28; Isa 33:22
Halimbawa sa Bibliya:
Deu 24:16-22—Makikita sa Kautusang Mosaiko na ang katarungan ni Jehova ay laging may kasamang awa at pag-ibig
2Cr 19:4-7—Ipinaalala ni Haring Jehosapat sa mga hukom na inatasan niya na dapat silang humatol base sa pananaw ni Jehova, hindi ng tao
Bakit natin masasabing si Jehova ang pinakamarunong?
Aw 104:24; Kaw 2:1-8; Jer 10:12; Ro 11:33; 16:27
Tingnan din ang Aw 139:14; Jer 17:10
Halimbawa sa Bibliya:
1Ha 4:29-34—Binigyan ni Jehova si Haring Solomon ng higit na karunungan kaysa sa lahat ng taong nabubuhay noon
Luc 11:31; Ju 7:14-18—Mas marunong si Jesus kay Solomon, pero mapagpakumbaba niyang sinabi na galing kay Jehova ang karunungan niya
Paano ipinakita ni Jehova na pag-ibig ang pinakanangingibabaw niyang katangian?
Ju 3:16; Ro 8:32; 1Ju 4:8-10, 19
Tingnan din ang Zef 3:17; Ju 3:35
Halimbawa sa Bibliya:
Mat 10:29-31—Ginamit ni Jesus ang mga maya para ipakita kung gaano kamahal ni Jehova ang mga lingkod Niya
Mar 1:9-11—Sinabi ni Jehova kay Jesus na mahal niya siya, at ipinagmalaki niyang Anak niya si Jesus. Ito ang mga bagay na kailangang marinig ng mga anak sa magulang nila
Ano pa ang ibang dahilan kung bakit mahal natin si Jehova? Ipinapakita ng Bibliya ang iba pa niyang magagandang katangian:
Bukas-palad—Aw 104:13-15; 145:16
Dakila—Aw 8:1; 148:13
Di-nagbabago; maaasahan—Mal 3:6; San 1:17
Maawain—Exo 34:6; Isa 49:15
Mabait—Luc 6:35; Ro 2:4
Maligaya—1Ti 1:11
Maluwalhati—Apo 4:1-6
Mapagmalasakit—Isa 63:9; Zac 2:8
Mapagpakumbaba—Aw 18:35
Mapayapa—Fil 4:9
Matiisin—Isa 30:18; 2Pe 3:9
Matuwid—Aw 7:9
Nakikita ang lahat ng bagay—2Cr 16:9; Kaw 15:3
Tapat—Apo 15:4
Walang hanggan; walang pasimula o wakas—Aw 90:2; 93:2
Ano ang epekto sa atin kapag mas nakilala natin si Jehova?
Kung paano paglilingkuran si Jehova
Ano ang nagpapakitang hindi higit sa kaya natin ang ipinapagawa ni Jehova?
Halimbawa sa Bibliya:
Deu 30:11-14—Hindi naman napakahirap para sa mga Israelita na sundin ang Kautusang ibinigay sa pamamagitan ng propetang si Moises
Mat 11:28-30—Tiniyak ni Jesus, na kagayang-kagaya ni Jehova, na magiginhawahan ang mga lingkod niya sa pagsunod sa kaniya
Bakit dapat lang na purihin natin si Jehova?
Aw 105:1, 2; Isa 43:10-12, 21
Tingnan din ang Jer 20:9; Luc 6:45; Gaw 4:19, 20
Halimbawa sa Bibliya:
Aw 104:1, 2, 10-20, 33, 34—Nang pagmasdan ng salmista ang mga nilalang, nakakita siya ng maraming dahilan para umawit ng papuri kay Jehova
Aw 148:1-14—Nagbibigay ng papuri kay Jehova ang lahat ng nilalang, kasama na ang mga anghel, at iyan din ang dapat nating gawin
Bakit posibleng mapuri ng iba si Jehova dahil sa paggawi natin?
Bakit dapat tayong maging mas malapít kay Jehova?
Paano makakatulong ang kapakumbabaan para mapalapít tayo sa Diyos?
Paano makakatulong ang pagbabasa ng Bibliya at pagbubulay-bulay para mapalapít tayo kay Jehova?
Bakit dapat tayong kumilos ayon sa natututuhan natin tungkol kay Jehova?
Bakit hindi tayo dapat magtago ng anuman mula kay Jehova?
Job 34:22; Kaw 28:13; Jer 23:24; 1Ti 5:24, 25
Halimbawa sa Bibliya:
2Ha 5:20-27—Itinago ni Gehazi ang kasalanan niya, pero ipinaalam ni Jehova kay propeta Eliseo ang totoo
Gaw 5:1-11—Nabunyag ang kasalanan nina Ananias at Sapira, at pinarusahan sila dahil sa pagsisinungaling sa banal na espiritu