Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 6/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2004
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 6/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa editor: Ang seryeng itinampok sa pabalat na “Sulit ang Mabuhay” (Oktubre 22, 2001) ay tumanggap ng malawak na pagtugon mula sa mga mambabasa. Ito’y kasiya-siya, sapagkat sinisikap ng “Gumising!” na iharap ang praktikal at salig-Bibliyang impormasyon na makatutulong sa mga tao mula sa lahat ng mga bansa, lahi, at relihiyon na makayanan ang mga suliranin sa ngayon.

Matagal na akong mambabasa ng Gumising! subalit wala pang nakaantig sa akin na gaya ng serye na “Sulit ang Mabuhay.” Noong nakaraang taon ay lubha akong nasiphayo, anupat gusto ko nang mamatay. Tiniyak sa akin ng mga artikulong ito na nauunawaan ng Diyos ang ating mga kahinaan.

S. H., Hapon

Labis akong nasiraan ng loob dahil sa ginawang pagsalakay sa Twin Towers sa New York. Kung minsan ay naiisip kong magpatiwakal subalit hindi ko kailanman matanggap na may problema sa akin. Hihingi ako ng kinakailangang tulong at susundin ko ang mga mungkahing ibinalangkas sa artikulo.

M. M., Estados Unidos

Dahil sa aking mahinang kalusugan, naisip kong wakasan na ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagpapatiwakal. Kung minsan, pabiro kong binabanggit ito upang makita ang reaksiyon ng iba. Napaiyak ako nang mabasa ko na lagi palang naririyan ang Diyos upang makinig sa atin at na siya ay nagmamalasakit. Lubusang binago ng magasing ito ang aking pangmalas sa buhay.

T. E. J., Canada

Maraming taon na akong pinahihirapan ng panlulumo, at kamakailan ay talagang pinag-isipan ko nang wakasan ang aking buhay. Nang papalabas na ako ng pinto, naalaala ko na sinabi ng huling artikulo sa seryeng iyon ng Gumising! na ipakipag-usap ito sa iba. Kaya sinabi ko ito sa aking asawang lalaki. Ang pagkaantalang iyon ang naging dahilan upang hindi ko na ituloy ang aking balak. Ang seryeng ito ay nakatulong upang iligtas ang aking buhay!

M. B., Estados Unidos

Mga ilang linggo bago lumabas ang magasing ito, nasumpungan ko ang aking sarili na nakatingin sa isang tasa na punô ng pildoras na pampatulog at napapaharap sa problemang inilalarawan sa artikulo: “Iinumin ko ba ito o hindi?” Binigyan ako ng inyong magasin ng determinasyong mabuhay na siyang kailangan ko. Ang ilang karamdaman ay nakaaapekto sa isipan hanggang sa puntong ayaw na nating mabuhay, subalit nakaaantig-damdamin na makitang interesado pa nga ang Diyos sa mga taong tila nawalan na ng pagpapahalaga sa kaloob na buhay.

E. S., Italya

Naibahagi ko ang impormasyong nasa mga artikulong ito sa aking manggagamot. Sinabi ko sa kaniya kung paano ito nakatulong sa akin. Ang mabigyang-katiyakan lamang na ako’y mahalaga sa Diyos ay gumaganyak na sa akin upang mabuhay. Ang lagi kong dalangin ay na sumulat sana kayo ng higit pang mga artikulong gaya nito!

J. S., Estados Unidos

Akala ko’y walang nakauunawa sa akin, at nagsimula akong mag-isip na mas mabuti pa sigurong mamatay na ako. Subalit sa pamamagitan ng mga artikulong ito, nagunita ko ang pinakamahalagang bagay sa buhay. Ayoko nang isipin ang tungkol sa kamatayan!

M. M., Hapon

Mga Babaing Binubugbog Salamat sa seryeng itinampok sa pabalat na “Tulong Para sa mga Babaing Binubugbog.” (Nobyembre 8, 2001) Bilang isang bata ay nakita ko kung paano bugbugin ng aking ama ang aking ina araw-araw. Pagkatapos, kami ng mga kapatid kong babae ang naging tudlaan ng kaniyang mga pagsalakay. Lumaki akong may matinding galit sa mga lalaki. Gayunman, nang maglaon ay nagsimula kaming makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Hindi naging madali para kay Itay na baguhin ang kaniyang paggawi, subalit sa tulong ni Jehova ay kaniyang napag-isip-isip na hindi niya mapaluluguran ang Diyos kung mamaltratuhin niya ang Kaniyang magagandang nilalang. Unti-unti ang mga pagbabago, subalit ngayon ang aking tatay ay tulad ng isang maamong tupa. Maiibig ko siya mula sa puso.

G. B., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share