Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 6/22 p. 31
  • “Halos Dinisenyo”?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Halos Dinisenyo”?
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Singsing
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pagkasira ng Hubble—Ano ang Kinalabasan?
    Gumising!—1995
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1996
  • Ang Teleskopyo ni Galileo—Pasimula Lamang!
    Gumising!—1992
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 6/22 p. 31

“Halos Dinisenyo”?

Tumingin ka na ba sa kalangitan sa gabi sa pamamagitan ng teleskopyo? Masasabi sa iyo ng maraming sumilip na sa teleskopyo na natatandaan pa nila ang unang pagkakataong tumingin sila sa planetang Saturn. Talagang kamangha-manghang tanawin ito. Sa tila walang katapusang kadiliman na animo’y sinabuyan ng di-mabilang na nagniningning na mga bituin, naroon ang malinaw at bilog na planetang napaliligiran ng lapád at eleganteng mga singsing!

Ano ang mga singsing na ito? Noong 1610, nang unang tumingin sa Saturn ang astronomong si Galileo sa pamamagitan ng kaniyang sariling-gawang teleskopyo, napakalabo ng nakita niya anupat ang Saturn ay nagmukhang planetang may mga tainga​—isang planetang nasa gitna ng dalawang maliliit na planeta. Dahil sumulong ang mga teleskopyo sa paglipas ng mga taon, mas malinaw na nakita ng mga astronomo ang mga singsing, subalit nagtatalo pa rin sila kung ano ang bumubuo sa mga singsing. Sinasabi ng marami na ang mga singsing ay matigas at solidong mga disk. Noon lamang 1895 nagkaroon ng nakakakumbinsing katibayan ang mga astronomo na ang mga singsing ay binubuo ng maraming piraso ng bato at yelo.

Ganito ang sabi ng aklat na The Far Planets: “Ang mga singsing ng Saturn, isang set ng animo’y mga laso na binubuo ng di-mabilang na pira-pirasong yelo, ay isa sa kamangha-manghang bagay sa Sistema Solar. Ang nagniningning na sinag ay pagkalaki-laki, umaabot nang 400,000 kilometro mula sa pinakaloob na gilid na nasa ibabaw lamang ng atmospera ng planeta hanggang sa panlabas na gilid na halos hindi makita. Ang sinag ay kataka-takang napakanipis din, wala pang 30 metro sa katamtaman.” Noong Hunyo ng 2004, nang makarating sa Saturn ang sasakyang pangkalawakan na Cassini-Huygens at magpadala ng impormasyon at mga larawan, higit pa ang natutuhan ng mga siyentipiko hinggil sa kasalimuutan ng daan-daang singsing na ito.

Ganito ang sinabi ng isang artikulo sa magasing Smithsonian kamakailan: “Ang Saturn ay halos dinisenyo​—isang bagay na sakdal na gaya ng matematika.” Maaari tayong sumang-ayon sa damdamin ng manunulat, subalit nagtataka lamang kami sa inilakip na salitang “halos.” Ang totoo, ang magandang planetang ito sa kalangitan ay isa lamang sa di-mabilang na mga bagay sa kalangitan na angkop sa kinasihang paglalarawan na isinulat libu-libong taon na ang nakalilipas: “Ang langit ay naghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos; at ang gawa ng kaniyang mga kamay ay isinasaysay ng kalawakan.”​—Awit 19:1.

[Picture Credit Lines sa pahina 31]

Background: NASA, ESA and E. Karkoschka (University of Arizona); insets: NASA and The Hubble Heritage Team (STScl/AURA)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share