Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 12/22 p. 3
  • Mauulit Kaya Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mauulit Kaya Ito?
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pinakamatinding Salot sa Kasaysayan
    Gumising!—2005
  • Trangkaso—Ang Alam na Natin Ngayon
    Gumising!—2005
  • Pangglobong mga Epidemya—Ang Kinabukasan
    Gumising!—2005
  • Protektahan ang Iyong Pamilya Laban sa Trangkaso
    Gumising!—2010
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 12/22 p. 3

Mauulit Kaya Ito?

KUNG gugunitain natin ang kahapon, baka isipin nating makaluma ang panahong iyon, subalit kahali-halina. Halimbawa, sa Kanluraning bahagi ng daigdig, panahon iyon ng kalesa, matataas na sombrero, at saya na may pabuntot. Ngunit nakasisindak na panahon din iyon nang pagkarami-rami ang masawi sa buong daigdig. Ang dahilan?

Hindi digmaan, bagaman kasagsagan noon ng labanan. Ang tinutukoy natin dito ay iba pang uri ng salot, isang salot na tinatawag na pinakakapaha-pahamak sa buong naisulat na kasaysayan ng tao​—ang trangkaso Espanyola noong 1918-19.

Napakaraming biktima ang nangamatay, sapagkat walang mabisang gamot o lunas noon. Milyun-milyong malulusog na tao ang bigla na lamang pumanaw sa panahon ng kanilang kalakasan. Mas marami ang namamatay kaysa sa kayang ilibing. Sa ilang lugar, buong mga bayan at mga nayon ang naglalaho.

Nangyari ang lahat ng ito mga 85 taon na ang nakalilipas. Alam ba natin kung ano ang sanhi ng sakit na ito? Mauulit kaya ang gayong salot? Kung oo, maipagsasanggalang kaya natin ang ating sarili?

May isa pang kapansin-pansin na aspekto ang paksang ito. Alam mo ba na noon pa man ay may sinasabi na ang Bibliya hinggil sa mga salot na nasasaksihan natin sa ating panahon? (Lucas 21:11; Apocalipsis 6:8) Bahagi kaya ng katuparan ng hula sa Bibliya ang trangkaso Espanyola? Ang sagot dito at sa iba pang tanong ay tatalakayin sa susunod na mga artikulo.

[Larawan sa pahina 3]

Paghahanda sa libing ng mga biktima ng trangkaso Espanyola, Philadelphia, E.U.A.

[Credit Line]

Library of the College of Physicians of Philadelphia

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share