Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 7/08 p. 30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2008
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Mas Makasasama sa Halip na Makabuti”?
  • Pagka-adik sa TV ng mga Taga-Bhutan
  • Mga Nag-oopisinang Laging Naaabala
  • De-kalidad na mga Panghalili sa Pagsasalin
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Ang Pinakamahalagang Likido sa Daigdig
    Gumising!—1990
  • Ang Kamangha-manghang Pulang Selula ng Iyong Dugo
    Gumising!—2006
Iba Pa
Gumising!—2008
g 7/08 p. 30

Pagmamasid sa Daigdig

◼ “Talagang gulat na gulat kami sa laki ng natunaw na yelo [sa Artiko] sa taong ito [2007], dahil hindi lamang nito tinalo ang lahat ng dating rekord kundi lubusan nitong inilampaso ang mga iyon.”​—MARK SERREZE, NATIONAL SNOW AND ICE DATA CENTER, E.U.A.

◼ Tinataya ng mga eksperto sa New Economics Foundation na “kung ang lahat ng bansa sa daigdig ay katulad ng Estados Unidos sa dami ng kinokonsumo nito, mangangailangan ng 5.3 na planetang lupa para matugunan ang kanilang mga pangangailangan . . . Ang bilang ay 3.1 para sa Pransiya at Britanya, 3.0 para sa Espanya, 2.5 para sa Alemanya at 2.4 para sa Hapón.”​—REUTERS NEWS SERVICE, BRITANYA.

“Mas Makasasama sa Halip na Makabuti”?

“Ang pagsasalin ng inimbak na dugo ay mas makasasama sa halip na makabuti sa karamihan ng mga pasyente,” ang sabi ng isang ulat mula sa Duke University Medical Center sa Durham, North Carolina, E.U.A. Natuklasan sa mga pag-aaral na ang mga pasyenteng sinalinan ng dugo ay “mas madalas na atakihin sa puso, manikip ang dibdib, maistrok, at mamatay pa nga” kaysa sa mga hindi sinalinan. Bakit? “Ang nitric oxide na matatagpuan sa pulang selula ng dugo ay nawawalan na ng bisa sa sandaling ilabas sa katawan ng tao ang pulang selula ng dugo.” Napakahalaga ng nitric oxide para hindi magbara ang mga ugat na dinadaluyan ng dugo at makapagdala ang mga pulang selula ng dugo ng oksiheno sa mga tisyu ng katawan. “Lumilitaw na milyun-milyong pasyente ang nasasalinan ng dugong wala nang kakayahang magbigay ng oksiheno,” ang sabi ng ulat.

Pagka-adik sa TV ng mga Taga-Bhutan

Sa loob ng maraming taon, ayaw payagan ng maliit na kaharian ng Bhutan sa Himalaya na magkaroon ng telebisyon sa kanilang bansa. Pero nang magreklamo ang maraming residente na hindi nila mapapanood ang torneo ng soccer sa World Cup noong 1998, pinahintulutan na rin ng gobyerno ang telebisyon sa bansa noong 1999. Sa ngayon, 40 istasyon ng telebisyon ang napapanood sa Bhutan at adik na ang mga tagarito sa mga pelikulang mula sa Hollywood at sa mga telenobela mula sa India, ang sabi ng isang ulat mula sa Bhutan. Sa halip na umupong magkakasama para magkantahan at magkuwentuhan, gaya ng dati nilang ginagawa, ang mga pamilya ay nag-uumpukan para manood ng TV. Dumaing ang isang babae na kaunti na lang ang panahon niya para sa ibang mga bagay​—pati sa pananalangin. “Kahit na pinaiikot ko ang aking prayer wheel, TV pa rin ang nasa isip ko,” ang sabi ng babae gaya ng iniulat sa diyaryong The Peninsula sa Qatar. Idinagdag pa ng diyaryo, “Pero ang ikinababahala ng marami ay baka makaugalian na ng mga taga-Bhutan na bumili ng mga bagay na hindi naman nila kailangan, tulad ng karaniwang nangyayari sa ibang mga bansa. ‘Dahil sa TV at mga patalastas, naeengganyo ang mga tao na bumili ng mga bagay na hindi naman nila kayang bilhin.’”

Mga Nag-oopisinang Laging Naaabala

“Kung minsan, parang wala nang nagagawa ang isang nag-oopisina kundi sagutin ang telepono at harapin ang iba pang mga pang-abala,” ang sabi ng magasing New Scientist. Gumawa ng pag-aaral ang mga mananaliksik sa isang grupo ng mga nag-oopisina na ang trabaho ay may kaugnayan sa komunikasyon. Natuklasan nila na sa katamtaman, tatlong minuto lamang nakapagtatrabaho nang tuluy-tuloy ang mga nag-oopisinang ito sa bawat pagkakataon, at pagkatapos ay naaabala na naman sila. Yamang dalawang oras ng trabaho ang nauubos sa bawat araw dahil sa mga pang-abala, gumagamit ng computer ang ilang abaláng nag-oopisina para malaman nila kung alin ang kailangang-kailangan nang asikasuhin at alin ang hindi. Narito ang ilan sa mga mungkahing puwedeng gawin ng sinuman: “Tapatin ang mga tao, . . . sabihin sa kanilang wala kang panahong makipag-usap, kung talagang wala kang panahon,” at maging desididong “isara ang iyong email at instant messenger, at patayin ang iyong telepono hangga’t hindi mo pa natatapos ang iyong trabaho.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share