Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 7/09 p. 20
  • Tabàky—Kahoy na Pampaganda

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tabàky—Kahoy na Pampaganda
  • Gumising!—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2009
  • Bakit Kahoy ang Gagamitin sa Pagtatayo?
    Gumising!—1995
  • Mga Regalo ng Punungkahoy
    Gumising!—1985
  • Makipagkilala sa Isang Maapoy na Karakter
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—2009
g 7/09 p. 20

Tabàky​—Kahoy na Pampaganda

◼ Sa mainit na bahagi ng Madagascar sa gawing timog-kanluran, sinusuyod ng kababaihan ang dalampasigan para maghanap ng mga shell na ibebenta sa mga turista. Ang mukha nila ay may puting pamahid na tinatawag na tabàky. Ang kakaibang pamahid na ito ay hindi lamang proteksiyon sa nakapipinsalang sikat ng araw kundi pampaganda pa.

Ang tabàky ay mula sa malambot na bahagi ng balat ng punong masonjoany at fihamy (tinatawag ding aviavy). Madali lang itong gawin: Ikukuskos ng babae ang isang maliit na piraso ng malambot na kahoy sa malapad na bato, at unti-unti itong papatakan ng tubig para lumagkit. Pagkatapos, isasawsaw niya rito ang maliit na patpat o plastik na patulis o pabilog ang dulo at magdodrowing sa kaniyang mukha.

Ang ilang babae ay nagpapahid ng tabàky sa buong mukha maliban sa palibot ng mata. Mas gusto naman ng iba na ipahid ito sa noo, pisngi, o baba. Magagamit ang tabàky para takpan ang pekas o hindi maging oily ang mukha, o kaya nama’y bilang pampaganda. Kung minsan, hinahaluan ito ng ibang sangkap, kaya napakaraming kombinasyon ng disenyo at kulay ang magagawa. Maaari din itong gawing pino o kaya’y magaspang.

Sino ang mag-iisip na puwedeng gawing pampaganda ang kahoy? Sa Madagascar, na malayo sa Paris at New York na sentro ng pagpapaganda, ang tabàky ay kakaiba pero praktikal na pampaganda.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share