Laganap ang Kawalang-Katapatan!
Si Dannya ay nagtatrabaho sa isang malaking trading company sa Hong Kong. Nang bumisita siya sa pabrika ng isang potensiyal na supplier na gagawa ng mga produkto para sa kanila, sinabi niya na baka hindi nito maabot ang standard ng kompanya nila. Habang naghahapunan, may iniabot na sobre kay Danny ang manedyer ng pabrika. Nang buksan ito ni Danny, may laman itong libu-libong dolyar na katumbas ng isang taon niyang suweldo—sinusuhulan siya!
● Ang karanasan ni Danny ay pangkaraniwan na lang ngayon. Sa buong daigdig, laganap ang kawalang-katapatan. Halimbawa, ipinakikita ng mga dokumento sa korte na sa pagitan ng 2001 at 2007, umabot ng 1.4 bilyong dolyar ang isinuhol ng isang malaking kompanya sa Germany para makakuha ng mga kontrata.
Bagaman nakagawa na ng ilang reporma dahil sa mga iskandalo na nagsasangkot sa malalaking kompanya, waring patuloy na lumalala ang sitwasyon. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Transparency International noong 2010, “tumindi ang korupsiyon nitong nakaraang tatlong taon” sa buong daigdig.
Bakit laganap ang kawalang-katapatan? Praktikal bang maging tapat? Kung oo, paano ito magagawa? Makatutulong ba sa atin ang Bibliya?
[Talababa]
a Binago ang ilang pangalan sa seryeng ito.