Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 5/12 p. 3
  • Malupit ang Kawalang-Katarungan!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Malupit ang Kawalang-Katarungan!
  • Gumising!—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Makakamit Pa Ba Natin ang Katarungan?
    Iba Pang Paksa
  • Mga Pulis—Ano ang Kinabukasan Nila?
    Gumising!—2002
  • Kikilos Pa Kaya ang Diyos Laban sa Kawalang-Katarungan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Nagsisikap na Lutasin ang Krimen
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—2012
g 5/12 p. 3

Malupit ang Kawalang-Katarungan!

NOONG 2010, si Michael, na taga-Texas, E.U.A., ay pinalaya matapos mabilanggo nang 27 taon dahil sa kasong panggagahasa​—isang krimeng hindi niya ginawa. Napatunayang inosente siya dahil sa ginawang DNA test, na hindi pa nadidiskubre noong mahatulan siya. Nang maglaon, natuklasan ng mga awtoridad kung sinu-sino ang gumawa ng krimeng iyon pero hindi na sila maidemanda dahil ayon sa batas, napakahabang panahon na ang lumipas mula nang mangyari ang krimen.

Maraming kriminal ang hindi naparurusahan. Halimbawa, sa Britanya, “nitong nakaraang dekada, nadoble ang bilang ng mga pagpatay na hindi pa nalulutas, anupat ipinangangamba na hindi kayang sugpuin ng mga pulis at korte ang mararahas na krimen,” ang ulat ng The Telegraph.

Noong Agosto 2011, nahirapan ang mga Britanong pulis na kontrolin ang isa pang uri ng krimen​—ang mga riot sa Birmingham, Liverpool, London, at iba pang lugar. Ang mga mang-uumog ay nanunog, nagbasag ng mga bintana ng tindahan, at nagnakaw, anupat nanira hindi lang ng mga negosyo, tahanan, at sasakyan kundi pati ng kabuhayan. Ang motibo? Ayon sa marami, kasakiman. Pero ayon sa ilan, ang naganap na riot ay waring reaksiyon lang sa itinuturing nilang kawalang-katarungan. Sinabi ng ilang komentarista na ang mga nag-riot ay posibleng napapabayaan at nadidismayang mga kabataan na nakatira sa mahihirap na komunidad at walang tinatanaw na magandang kinabukasan.

Sinabi ng tauhan ng Bibliya na si Job: “Patuloy akong humihingi ng tulong, ngunit walang katarungan.” (Job 19:7) Sa ngayon, marami rin ang humihingi ng katarungan, pero madalas na hindi ito pinakikinggan. May makapag-aalis kaya ng kawalang-katarungan? O isa lang kamangmangan ang umasang magkakaroon pa ng katarungan sa daigdig? Para malaman ang sagot, suriin natin ang ilang sanhi ng kawalang-katarungan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share