Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g23 Blg. 1 p. 3-5
  • Sariwang Tubig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sariwang Tubig
  • Gumising!—2023
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nanganganib ang Sariwang Tubig
  • Ating Planeta—Dinisenyo Para Manatili
  • Ang Pagsisikap ng Tao
  • Pag-asa Mula sa Bibliya
  • Nauubusan na ba ng Tubig ang Daigdig?
    Gumising!—2001
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Krisis sa Tubig sa Mundo?
    Iba Pang Paksa
  • Kung Saan Mas Malala ang Krisis
    Gumising!—1997
  • Saan Napunta ang Lahat ng Tubig?
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—2023
g23 Blg. 1 p. 3-5
Kamay ng babaeng sumasalok ng malinis na tubig mula sa batis.

MAY PAG-ASA PA BA ANG PLANETA NATIN?

SARIWANG TUBIG

WALANG mabubuhay sa lupa kung walang tubig, lalo na ng sariwang tubig. Ang totoo nga niyan, tubig ang pinakamalaking bahagi ng bawat buháy na nilalang. Makakakuha ang mga tao at hayop ng tubig na maiinom sa mga lawa, ilog, latian, at sa ilalim ng lupa. Magagamit din ito bilang patubig sa mga pananim.

Nanganganib ang Sariwang Tubig

Tubig ang malaking porsiyento ng planeta natin. Pero ayon sa World Meteorological Organization, “ang magagamit at makukuhang sariwang tubig sa lupa ay 0.5% lang.” Sapat na sana ang maliit na porsiyentong iyan para masustinihan ang buhay sa lupa. Kaya lang, karamihan sa tubig na iyan ay narurumhan o hindi makuha dahil sa climate change at sa dami ng gumagamit nito. Ayon sa mga eksperto, sa loob ng 30 taon, limang bilyong tao ang hindi na makakakuha ng sapat na sariwang tubig.

Ating Planeta—Dinisenyo Para Manatili

May mga likas na proseso ang lupa para hindi maubos ang suplay natin ng tubig. Nagtutulungan din ang lupa (soil), mga nilalang sa tubig, at kahit ang araw para linisin ang tubig. Tingnan ang ilang ebidensiya kung bakit masasabing dinisenyo ang planeta natin para manatili.

  • Sa tulong ng lupa, naaalis ang maraming bagay na nagpaparumi sa tubig. Sa mga latian, may ilang halaman na nakakapag-alis ng nitrogen, phosphorus, at mga pesticide.

  • Natuklasan ng mga siyentipiko na may mga physical at biological process na naglilinis ng tubig. Kapag humalo ang dumi sa umaagos na tubig, tutunawin naman ito ng mga baktirya.

  • Ang mga kabibi at tahong sa tubig-tabang ay nakakapag-alis ng mga nakakasamáng kemikal mula sa tubig sa loob lang ng ilang araw—at posibleng mas epektibo pa ito kaysa sa nagagawa ng mga planta na naglilinis ng tubig.

  • Nakakapag-imbak ng tubig ang planeta natin sa pamamagitan ng water cycle. Dahil sa cycle na ito at sa iba pang likas na proseso, napapanatili ang tubig sa ating atmospera o napipigilan ang pagkaubos nito.

    ALAM MO BA?

    Lupa—Filter ng Tubig sa Kalikasan

    Natuklasan na kayang alisin ng lupa (soil) ang mga metal, nakakalasong kemikal, nabubulok na dumi, at iba pang dumi mula sa tubig na dumadaan sa lupa. Kapag naipon na ang tubig sa ilalim ng lupa, puwede na itong inumin.

    Ipinapakita sa larawan kung paano sinasala ng lupa ang maruming tubig. Ang tubig-ulan ay dumadaan sa lupa, mga bato, at mga particle ng putik hanggang sa maging sariwang tubig ito sa ilalim ng lupa.

    Physical Filtering

    Nagiging parang pinong pansala ang mga buhangin at bato, kasi nasasala nito ang ilang dumi.

    Biological Filtering

    Nagagawang i-neutralize ng mga baktirya sa lupa ang mga substansiyang puwedeng makalason sa tao. May ilang baktirya pa nga na kayang gawing carbon dioxide at tubig ang mga langis na nakakalason.

    Chemical Filtering

    Dahil sa kaunting electric charge ng lupa, dumidikit dito ang mga nakakalasong kemikal na may electric charge na kabaligtaran nito. Halimbawa, ang mga particle ng putik na may negative charge ay kayang mag-alis mula sa tubig ng mga particle ng ammonium na may positive charge.

Ang Pagsisikap ng Tao

Collage: 1. Inaayos ng lalaki ang tagas ng langis sa ilalim ng kotse niya. Gamit niya ang isang panahod para sa tumutulong langis. 2. Dinala ng isang lalaki ang mga lalagyan ng kemikal sa recycling center.

Kapag inaayos natin ang mga tagas ng langis at itinatapon sa tamang paraan ang mga nakakalasong kemikal, nakakatulong tayo para mapanatiling malinis ang sariwang tubig

Ipinapaalala ng mga eksperto na huwag mag-aksaya ng tubig. Para maiwasang makontamina ang tubig, inirerekomenda nila na ayusin ang mga tagas ng langis sa mga sasakyan at huwag i-flush ang mga gamot sa inidoro o magbuhos ng kemikal sa mga drain.

Nakahanap ang mga engineer ng mga modernong paraan ng desalination (pag-aalis ng asin mula sa tubig-alat). Sa ganitong paraan, darami ang suplay ng tubig na puwedeng inumin.

Pero kulang pa rin iyan. Parang malabong maging solusyon ang desalination dahil napakamahal nito at napakaraming enerhiya ang kakailanganin. Sa isang report noong 2021 tungkol sa water management, sinabi ng United Nations na kailangan pang doblihin ang dami ng malinis na suplay ng tubig sa buong mundo.

Pag-asa Mula sa Bibliya

“Tinitipon [ng Diyos] paitaas ang mga patak ng tubig; namumuo ang manipis na ulap para maging ulan; ibinabagsak iyon ng mga ulap at bumubuhos sa sangkatauhan.”​—Job 36:​26-28.

Ginawa ng Diyos ang mga cycle sa kalikasan para maingatan ang tubig sa ating planeta.​—Eclesiastes 1:7.

Pag-isipan: Gumawa ang Maylalang ng mga proseso na lilinis sa tubig kaya siguradong kaya rin niyang ayusin ang pinsalang ginawa ng tao rito, at gusto niyang gawin ito. Tingnan ang artikulong “Ipinangako ng Diyos na Mananatili ang Planeta Natin” sa pahina 15.

HIGIT PANG IMPORMASYON

Mga molecule ng tubig na pinalaki.

Ang tubig ay may mga kahanga-hangang katangian na kailangan ng mga nilalang para mabuhay. Panoorin ang video na Nakikita ang Kaluwalhatian ng Diyos sa Kaniyang mga Likha—Tubig sa jw.org.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share