Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g23 Blg. 1 p. 9-11
  • Kagubatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kagubatan
  • Gumising!—2023
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nanganganib ang mga Gubat
  • Ating Planeta—Dinisenyo Para Manatili
  • Ang Pagsisikap ng Tao
  • Pag-asa Mula sa Bibliya
  • Maulang Kagubatan—Sino ang Magliligtas sa mga Ito?
    Gumising!—2003
  • Maulang Kagubatan—Maililigtas Pa Kaya ang mga Ito?
    Gumising!—2003
  • May Kinabukasan ba ang Kagubatan?
    Gumising!—1990
  • Ang mga Pakinabang sa Maulang Gubat
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—2023
g23 Blg. 1 p. 9-11
Babaeng tumatawid sa nakabiting tulay sa rain forest.

MAY PAG-ASA PA BA ANG PLANETA NATIN?

KAGUBATAN

SINASABI ng ilang scientist na ang mga gubat ay parang mga bagà na kailangan ng tao para mabuhay. Bakit? Kasi gaya ng bagà, nililinis ng mga puno ang hangin. Ina-absorb nila ang carbon dioxide na nakakasamâ sa atin. Naglalabas din sila ng oxygen, na napakahalagang bahagi ng hangin na nilalanghap natin. Mga 80 porsiyento ng mga halaman at hayop na nabubuhay sa lupa ang nakatira sa mga gubat. Kung walang gubat, hindi tayo mabubuhay.

Nanganganib ang mga Gubat

Taon-taon, bilyon-bilyong puno ang pinuputol, karaniwan nang para magamit ang lupa bilang taniman. Mula pa noong mga huling bahagi ng 1940’s, kalahati ng mga rain forest sa buong mundo ang nawala na.

Kapag nasira ang isang gubat, mawawalan ng tirahan ang mga hayop at mamamatay ang mga halaman doon.

Ating Planeta—Dinisenyo Para Manatili

Lumilitaw na may kakayahang maka-recover ulit at lumawak pa nga ang ilang kinalbong lupain. Nagulat ang mga ecologist nang makita nila na napakabilis tumubo ng mga puno sa mga kinalbong gubat at naging masukal ulit. Tingnan ang ilang halimbawa:

  • Binantayan ng mga researcher ang mga lupaing kinalbo para tamnan at pagkatapos ay pinabayaan. Nakita sa pag-aaral ng 2,200 lupaing iyon sa Americas at West Africa na sa loob lang ng 10 taon, puwede nang maka-recover ang lupa at maging gubat ulit.

  • Tinantiya ng mga researcher na sa loob lang ng mga 100 taon, tutubo na ulit sa mga lupain ang iba’t ibang klase ng puno at babalik ang iba pang buhay sa gubat, ayon sa pag-aaral na inilathala sa magasing Science.

  • Kamakailan, pinag-aralan ng mga scientist sa Brazil ang bilis ng likas na pag-recover ng mga gubat kumpara sa mga gubat na tinatamnan ng mga bagong puno.

  • Ganito ang inireport ng National Geographic tungkol sa mga researcher sa pag-aaral na ito: “Tuwang-tuwa sila kasi hindi na pala kailangang magtanim ng puno.” Sa loob lang ng limang taon, “punong-puno na ng puno” ang mga lupaing pinag-aralan kahit hindi ito tinamnan.

    ALAM MO BA?

    Taniman Ngayon, Gubat sa Hinaharap

    Larawan ng isang lupaing kinalbo para tamnan at pagkatapos ay pinabayaan. Pagkalipas ng 10 taon, makaka-recover ang lupa. Pagkalipas ng 100 taon o higit pa, magiging masukal na gubat ulit ito.

    May likas na kakayahang maka-recover ang mga gubat na pinutulan ng puno para tamnan at pagkatapos ay pinabayaan. Ganiyan din ang mga gubat na nasira dahil sa ibang dahilan.

Ang Pagsisikap ng Tao

Sa buong mundo, nagsisikap ang mga tao na protektahan ang mga gubat at ibalik sa dati ang mga nasira. Bilang resulta, sinabi ng United Nations na “bumagal nang mahigit 50 porsiyento ang pagkakalbo ng mga gubat sa buong mundo” sa nakalipas na 25 taon.

Pero hindi sapat iyan para mailigtas ang mga gubat natin. “Hindi nagbago ang bilang ng mga nasisirang tropical forest sa nakalipas na ilang taon,” ayon sa report na inilathala ng organisasyong Global Forest Watch.

Bilyon-bilyong dolyar ang kinikita sa ilegal na pagputol ng mga puno, at ito ang pinakadahilan kung bakit nakakalbo ang mga tropical forest.

Isang eksperto sa kagubatan habang sinusuri ang mga puno sa gubat.

Pinoprotektahan ng mga forest management team ang mga gubat; limitado lang ang matatandang puno na pinuputol nila at nagtatanim ulit sila ng panibago

Pag-asa Mula sa Bibliya

“Pinatubo ng Diyos na Jehovaa mula sa lupa ang bawat puno na magandang tingnan at may mga bunga na mabuting kainin.”​—Genesis 2:9.

Nang gawin ng Maylalang ang kagubatan, dinisenyo niya ito na may kakayahang maka-recover para patuloy itong mapakinabangan ng tao. Gusto niya itong maingatan, pati na ang kamangha-manghang buhay dito.

Ipinapakita ng Bibliya na hindi hahayaan ng Diyos na sirain ng makasariling mga tao ang ating planeta at ang lahat ng nandito. Tingnan ang artikulong “Ipinangako ng Diyos na Mananatili ang Planeta Natin” sa pahina 15.

a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.​—Awit 83:18.

HIGIT PANG IMPORMASYON

Mag-asawang nasa paraisong lupa.

Paano natin nalaman na hindi tuluyang masisira ang planeta natin dahil sa maling paggamit ng tao sa mga yaman ng lupa? Panoorin ang video na Bakit Ginawa ng Diyos ang Lupa? sa jw.org.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share