Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Ash, Konstelasyon ng”
  • Ash, Konstelasyon ng

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ash, Konstelasyon ng
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Kima, Konstelasyon ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mazarot, Konstelasyon ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Bituin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Kinabukasan Mo—Nasusulat Ba sa mga Bituin?
    Gumising!—1986
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Ash, Konstelasyon ng”

ASH, KONSTELASYON NG

Dahil ang mga salitang Hebreo na ʽAsh at ʽAʹyish gayundin ang iba pang mga termino ay ginagamit sa dalawang kaso may kaugnayan sa araw, mga bituin, at langit, ipinahihiwatig nito na ang mga iyon ay tumutukoy sa isang konstelasyon sa langit. (Tingnan ang Job 9:7-9; 38:32, 33.) Sa kasalukuyan ay imposibleng matiyak kung aling konstelasyon ang tinutukoy ng mga iyon anupat mas mabuting tumbasan na lamang ng transliterasyon ang pangalang ito (gaya ng nasa pamagat) sa halip na isalin ang mga salitang Hebreo gamit ang espesipikong mga pangalan gaya ng “Arcturus” (sa Gr., Ar·ktouʹros, literal na nangangahulugang “Tagapag-alaga ng Oso”) (KJ), o “Oso” (AS-Tg).

Dahil binabanggit ng Job 38:32 ang Ash “kasama ng mga anak nito,” matibay ang saligan upang ipalagay na ito’y isang konstelasyon. Sinasabi ng karamihan na ang Ursa Major (ang Malaking Oso) ang konstelasyong tinutukoy, yamang mayroon itong pitong pangunahing bituin na maaaring ituring na “mga anak nito.” Gayunman, ang mahalagang punto sa tekstong iyon ay hindi kung aling partikular na konstelasyon ang tinutukoy, kundi ang tanong na ibinangon: “Mapapatnubayan mo ba ang mga iyon?” Sa gayon ay idiniriin ng Diyos na Jehova kay Job ang karunungan at kapangyarihan ng Maylalang, yamang napakaimposibleng makontrol ng tao ang mga galaw ng pagkalaki-laking mga konstelasyong ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share