Sampol na Presentasyon
Para sa kampanya ng pamamahagi ng imbitasyon sa Memoryal
“May imbitasyon kaming ibibigay sa inyong pamilya para sa isang mahalagang okasyon na gaganapin sa buong daigdig sa Marso 26. Iyon ang anibersaryo ng kamatayan ni Jesus. Magkakaroon ng walang-bayad na pahayag sa Bibliya, at ipaliliwanag doon kung paano tayo nakikinabang sa kamatayan niya. Nasa imbitasyon ang adres at oras ng pagtitipon.”
Ang Bantayan Marso 1
“May mga nagtatanong, ‘Paano tayo nakatitiyak na talagang binuhay-muli si Jesus?’ Naisip na ba ninyo iyon? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung bakit mahalaga ang sagot sa tanong na iyon. [Basahin ang 1 Corinto 15:14.] Ipinaliliwanag sa magasing ito kung bakit tayo nakatitiyak na totoo ang pagkabuhay-muli ni Jesus.”
Gumising! Marso
“Sang-ayon ka ba na hindi madaling magpalaki ng mga anak sa ngayon? [Hayaang sumagot.] Nakatulong sa maraming magulang ang magagandang payo ng Bibliya. Halimbawa, nakatulong sa mga ama ang tekstong ito para humanap ng mga pagkakataong papurihan ang kanilang mga anak at patibayin ang kumpiyansa ng mga ito. [Basahin ang Colosas 3:21.] Tinatalakay sa artikulong ito ang limang simulain na makatutulong sa mga ama.”