33 “‘At huwag ninyong durumhan ang lupain na kinaroroonan ninyo; sapagkat dugo ang nagpaparumi sa lupain,+ at para sa lupain ay walang pagbabayad-sala may kinalaman sa dugo na naibubo roon maliban sa pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo nito.+
10 upang hindi mabubo ang dugong walang-sala+ sa gitna ng iyong lupain na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos bilang mana, at walang pagkakasala sa dugo ang mapapasaiyo.+
16 At mayroon ding dugong walang-sala na ibinubo+ ni Manases na lubhang pagkarami-rami, hanggang sa mapuno niya ang Jerusalem sa dulo’t dulo, bukod pa sa kaniyang kasalanan na pinangyari niyang ipagkasala ng Juda sa pamamagitan ng paggawa ng masama sa paningin ni Jehova.+
34 Gayundin, sa iyong laylayan ay nasumpungan ang mga bahid ng dugo ng mga kaluluwa+ ng mga dukhang walang-sala.+ Hindi ko nasumpungan ang mga iyon sa akto ng panloloob, kundi nasa lahat ng mga ito.+
4 sa dahilang iniwan nila ako+ at lubusan nilang iniba ang dakong ito+ at gumawa sila rito ng haing usok para sa ibang mga diyos na hindi nila nakilala,+ sila at ang kanilang mga ninuno at ang mga hari ng Juda; at ang dakong ito ay pinunô nila ng dugo ng mga walang-sala.+
17 ‘Tunay nga na ang iyong mga mata at ang iyong puso ay naroon lamang sa iyong di-tapat na pakinabang,+ at nasa dugo ng walang-sala upang ibubo iyon,+ at nasa pandaraya at nasa pangingikil upang isagawa ang mga iyon.’