Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 14:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 ‘Si Jehova, mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan,+ nagpapaumanhin sa kamalian at pagsalansang,+ ngunit sa anumang paraan ay wala siyang pinaliligtas sa kaparusahan,+ naglalapat ng kaparusahan sa mga anak dahil sa kamalian ng mga ama, sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi.’+

  • Deuteronomio 5:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 ngunit nagpapakita ng maibiging-kabaitan sa ikasanlibong salinlahi doon sa mga umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.+

  • Nehemias 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya tumanggi silang makinig,+ at hindi nila inalaala+ ang iyong mga kamangha-manghang pagkilos na iyong isinagawa sa kanila, kundi pinatigas nila ang kanilang leeg+ at nag-atas sila ng isang ulo+ upang bumalik sa kanilang pagkaalipin sa Ehipto. Ngunit ikaw ay isang Diyos ng mga pagpapatawad,+ magandang-loob+ at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana+ sa maibiging-kabaitan, at hindi mo sila iniwan.+

  • Awit 86:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Ngunit ikaw, O Jehova, ay Diyos na maawain at magandang-loob,+

      Mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan at katapatan.+

  • Jeremias 32:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 ang Isa na nagpapakita ng maibiging-kabaitan sa libu-libo,+ at iginaganti ang kamalian ng mga ama sa dibdib ng kanilang mga anak na kasunod nila,+ ang tunay na Diyos, ang Isa na dakila,+ ang Isa na makapangyarihan,+ Jehova ng mga hukbo+ ang kaniyang pangalan,+

  • Joel 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At hapakin ninyo ang inyong mga puso,+ at hindi ang inyong mga kasuutan;+ at manumbalik kayo kay Jehova na inyong Diyos, sapagkat siya ay magandang-loob at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan,+ at tiyak na ikalulungkot niya ang kapahamakan.+

  • Jonas 4:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kaya siya ay nanalangin kay Jehova at nagsabi: “Ah, O Jehova, hindi ba ito ang aking ikinababahala, habang ako noon ay nasa aking sariling lupa? Iyan ang dahilan kung bakit ako yumaon at tumakas patungo sa Tarsis;+ sapagkat alam ko na ikaw ay Diyos na magandang-loob at maawain,+ mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan,+ at nalulungkot sa kapahamakan.+

  • Nahum 1:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Si Jehova ay mabagal sa pagkagalit+ at dakila sa kapangyarihan,+ at sa anumang paraan ay hindi magpipigil si Jehova sa pagpaparusa.+

      Nasa mapaminsalang hangin at nasa bagyo ang kaniyang daan, at ang kaulapan ay siyang alabok ng kaniyang mga paa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share