Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 49:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Ako ay maghihintay ng kaligtasan mula sa iyo, O Jehova.+

  • Awit 27:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Umasa ka kay Jehova;+ magpakalakas-loob ka at magpakatibay ang iyong puso.+

      Oo, umasa ka kay Jehova.+

  • Awit 33:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Ang amin mismong kaluluwa ay naghihintay kay Jehova.+

      Siya ang aming katulong at aming kalasag.+

  • Awit 40:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 40 May-pananabik akong umasa kay Jehova,+

      Kung kaya ikiniling niya sa akin ang kaniyang pandinig at dininig ang aking paghingi ng tulong.+

  • Isaias 8:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At patuloy akong maghihintay kay Jehova,+ na nagkukubli ng kaniyang mukha mula sa sambahayan ni Jacob,+ at ako ay aasa sa kaniya.+

  • Isaias 26:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Oo, dahil sa landas ng iyong mga kahatulan, O Jehova, umaasa kami sa iyo.+ Ang iyong pangalan at ang iyong pinakaalaala+ ay siyang pagnanasa ng kaluluwa.+

  • Lucas 2:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 At, narito! may isang tao sa Jerusalem na nagngangalang Simeon, at ang taong ito ay matuwid at mapagpitagan, na naghihintay sa kaaliwan ng Israel,+ at ang banal na espiritu ay sumasakaniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share