Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 9:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 At nang isugo kayo ni Jehova mula sa Kades-barnea,+ na sinasabi, ‘Umahon kayo at ariin ninyo ang lupain na tiyak na ibibigay ko sa inyo!’ kayo ay gumawi nang mapaghimagsik laban sa utos ni Jehova na inyong Diyos,+ at hindi kayo nanampalataya+ sa kaniya at hindi kayo nakinig sa kaniyang tinig.+

  • Awit 5:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ituturing nga silang may-sala ng Diyos;+

      Mabubuwal sila dahil sa kanilang sariling mga payo.+

      Dahil sa dami ng kanilang mga pagsalansang ay hayaan silang mangalat,+

      Sapagkat naghimagsik sila laban sa iyo.+

  • Awit 107:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sapagkat gumawi sila nang mapaghimagsik+ laban sa mga pananalita ng Diyos;+

      At ang payo ng Kataas-taasan ay winalang-galang nila.+

  • Isaias 1:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Dinggin mo,+ O langit, at pakinggan mo, O lupa, sapagkat si Jehova ay nagsalita: “Ako ay nagpalaki at nag-alaga ng mga anak,+ ngunit sila ay naghimagsik laban sa akin.+

  • Isaias 63:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ngunit sila ay naghimagsik+ at pinagdamdam ang kaniyang banal na espiritu.+ Siya ngayon ay naging kaaway+ nila; siya ay nakipagdigma laban sa kanila.+

  • Ezekiel 20:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “ ‘ “At nagsimula silang maghimagsik laban sa akin,+ at hindi sila pumayag na makinig sa akin. Ang mga kasuklam-suklam na bagay ng kanilang mga mata ay hindi itinapon ng bawat isa, at ang mga karumal-dumal na idolo ng Ehipto ay hindi nila iniwan,+ kaya nangako akong ibubuhos ko sa kanila ang aking pagngangalit, upang tapusin ko sa kanila ang aking galit sa gitna ng lupain ng Ehipto.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share