6 Ang aking likod ay iniharap ko sa mga nananakit, at ang aking mga pisngi+ doon sa mga bumubunot ng balbas. Ang aking mukha ay hindi ko ikinubli sa kahiya-hiyang mga bagay at sa dura.+
3 Siya ay hinamak at iniwasan ng mga tao,+ isang taong nauukol sa mga kirot at sa pagkakaroon ng kabatiran sa sakit.+ At waring may pagkukubli ng mukha ng isa mula sa amin.+ Siya ay hinamak, at itinuring namin siya bilang walang halaga.+
5 Ngunit siya ay inuulos+ dahil sa aming pagsalansang;+ siya ay sinisiil dahil sa aming mga kamalian.+ Ang kaparusahang ukol sa aming kapayapaan ay sumasakaniya,+ at dahil sa kaniyang mga sugat+ ay nagkaroon ng pagpapagaling para sa amin.+