Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Dahil isang bata ang ipinanganak sa atin,+

      Isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin;

      At ang pamamahala* ay iaatang sa balikat niya.+

      Siya ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

  • Ezekiel 21:26, 27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova: ‘Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona.+ Hindi na ito magiging gaya ng dati.+ Itaas mo ang mababa,+ at ibaba mo ang mataas.+ 27 Kagibaan, kagibaan, gagawin ko iyon na isang kagibaan. At walang sinumang magmamay-ari doon hanggang sa dumating ang isa na may legal na karapatan,+ at ibibigay ko iyon sa kaniya.’+

  • Daniel 4:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ito ang utos ng mga bantay+ at ang hatol ng mga banal, para malaman ng mga taong nabubuhay na ang Kataas-taasan ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao+ at na ibinibigay niya ang pamamahala kung kanino niya gusto, kahit sa pinakamababa sa mga tao.”

  • Amos 9:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 ‘Sa araw na iyon ay itatayo ko ang nakabuwal na kubol* ni David,+

      Kukumpunihin ko ang* mga butas,

      At ang nawasak na mga bahagi nito ay aayusin ko;

      Muli ko itong itatayo gaya noong unang panahon,+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share