Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 126:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 126 Nang muling tipunin ni Jehova ang mga nabihag sa Sion,+

      Para tayong nananaginip.

  • Jeremias 23:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Pagkatapos ay titipunin ko ang natira sa mga tupa ko mula sa lahat ng lupain kung saan ko sila pinangalat,+ at ibabalik ko sila sa kanilang pastulan,+ at magiging palaanakin sila at darami sila.+

  • Ezekiel 39:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Ibabalik ko sa lupain nila ang mga nabihag sa Jacob,+ at kaaawaan ko ang buong sambahayan ng Israel;+ at gagawin ko ang buong makakaya ko para ipagtanggol ang* aking banal na pangalan.+

  • Amos 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Titipunin kong muli ang mga nabihag sa bayan kong Israel,+

      At itatayo nilang muli ang abandonadong mga lunsod at titirhan ang mga ito;+

      Magtatanim sila ng ubas at iinumin ang alak na gawa roon,+

      At gagawa sila ng mga hardin at kakainin ang bunga ng mga ito.’+

  • Mikas 2:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Tiyak na titipunin ko kayong lahat, O Jacob;

      Talagang pagsasama-samahin ko ang mga natira sa Israel.+

      Pagkakaisahin ko sila, gaya ng mga tupa sa kulungan,

      Gaya ng isang kawan sa pastulan nito;+

      Magiging maingay ito dahil sa mga tao.’+

  • Mikas 4:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Mamilipit ka sa sakit at dumaing, O anak na babae ng Sion,

      Gaya ng babaeng nanganganak,

      Dahil mula ngayon ay aalis ka sa lunsod at titira sa parang.

      Makakarating ka hanggang sa Babilonya,+

      At doon ay ililigtas ka;+

      Doon ay tutubusin ka ni Jehova mula sa kamay ng mga kaaway mo.+

  • Zefanias 3:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Sa panahong iyon ay pababalikin ko kayo,

      Sa panahon ng pagtitipon ko sa inyo.

      Dahil gagawin ko kayong tanyag* at kapuri-puri+ sa lahat ng bayan sa lupa,

      Kapag tinipon ko sa harap ninyo ang mga nabihag sa inyo,” ang sabi ni Jehova.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share