Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 8:7-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Dahil dadalhin kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa isang magandang lupain,+ isang lupaing sagana sa tubig,* maraming batis at bukal na umaagos sa kapatagan at mabundok na rehiyon, 8 isang lupaing sagana sa trigo, sebada, ubas,* igos,* granada,*+ langis ng olibo, at pulot-pukyutan,+ 9 isang lupain kung saan hindi kayo kakapusin sa pagkain at hindi kayo magkukulang ng anuman, isang lupain kung saan may makukuhang bakal sa bato at makapagmimina ng tanso sa mga bundok.

  • Deuteronomio 29:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Kaya dahil sa galit, pagngangalit, at matinding poot ni Jehova, binunot niya sila mula sa kanilang lupain+ at itinapon sa ibang lupain, kung nasaan sila ngayon.’+

  • Josue 23:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Pero kung paanong natupad ang lahat ng mabubuting bagay na ipinangako sa inyo ni Jehova na inyong Diyos,+ ipararanas din sa inyo ni Jehova ang lahat ng kapahamakang sinabi niya sa inyo at lilipulin niya kayo mula sa magandang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.+

  • 2 Hari 17:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Nang ikasiyam na taon ni Hosea, sinakop ng hari ng Asirya ang Samaria.+ Pagkatapos, ang mga nasa Israel ay ipinatapon niya+ sa Asirya at pinatira sa Hala at sa Habor sa ilog ng Gozan+ at sa mga lunsod ng mga Medo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share