-
Tito 2:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Sa katulad na paraan, ang matatandang babae ay dapat gumawi nang kagalang-galang,+ hindi naninirang-puri, hindi naglalasing, at mga guro ng kabutihan, 4 para mapayuhan nila ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa, mahalin ang kanilang mga anak, 5 magkaroon ng matinong pag-iisip, maging malinis, masipag sa gawaing-bahay,+ mabuti, at nagpapasakop sa kanilang asawa,+ nang sa gayon, ang salita ng Diyos ay hindi mapagsalitaan ng masama.
-